Kabanata 1

13 0 0
                                    

Kabanata 1

Bodyguard

I am Naomi Sevilla. Born on August 10, 2001. I graduated senior highschool and was from Batangas. My parents are both OFWs to support me. I live alone in an appartment near my campus. My favorite colors are peach and pastel blue. My favorite dish is beef steak. I'm not good in any sports. I don't dance. I don't sing. I'm also an only child so I'm not used to socializing.

Ang dulong bahagi lang ang nagustuhan ko. Maybe peach and pastel blue are a good combination.

Nakaupo ako ngayon rito sa sala ng 2-floor appartment na kinuha para sa akin. A two seater sofa, a center table and a small cactus plant. Iyon lang ang nasa sala ngayon. I'm two weeks early kaya kaunti pa ang mga gamit. Wala pa rin akong dining table at mga upuan kaya sa counter tops muna ako. Kahit ang mga kubyertos ay hindi pa kumpleto. Good thing I already have my bed upstairs.

Sinadya ko na mas maagang pumunta dito. I can't last a day in that house. Alam ko rin naman na gusto na ni Tita na umalis na ako kaya binigay ko na sa kanyang ang satisfaction na iyon. Though she made a good act to stop me from leaving early.

"You will have a flight the day after my flight. Sa clark ang landing and from there someone will pick you up. Diretso na sa Cabanatuan iyon..."

Paulit ulit kong binabasa ang mga detalye tungkol sa pagkatao ni Naomi. Nagtaas ako ng tingin kay Tito Roman nang marinig iyon.

"Hindi mo ako ihahatid?"

Sumulyap siya kay Tita bago sumagot sa tanong ko.

"Alicia, sa mga oras na ito gumagawa kami ng mga misleading leads para kay Raul Ocampo. Kasama roon ang pag land ko sa Clark ng mas maaga kaysa sa flight mo..."

Ngumuso ako at binalikan ng tingin ang mga papel sa harap ko. I've traveled alone for so many years. Sanay naman na ako pero ibang usapan na talaga na babyahe ako pabalik sa nakagisnang lungsod. I don't know If I'm ever ready for this.

Nagpatuloy si Tito Roman sa mga detalye ng pamumuhay ko roon. Hindi naman na ako nakikinig sa kanya dahil meron akong kopya. Ang nasa isip ko ay ang gagawing paghahanda pauwi.

Pauwi.

I'm really going home now. Is it still my home, though?

"Kelan..."

I interrupted Tito Roman's discussion. Binalingan niya ako mula sa tingin sa folder na hawak.

"Kelan ang flight ko kung ganon?" Nagtaas ako ng tingin sa kanya. Alam ko naman nang two weeks mula ngayon ang alis ko. Just gotta ask.

Again, he glanced at my Tita.

"You have two weeks prior your flight."

Tumango ako.

"I wanna go earlier than that. Maybe 2 days from now?" Nilingon ko si Tita. Her eyes widened with what I said.

"You can change my flight, right, Tita?"

"Huh... Uh..." Sumulyao din siya kay Tito Roman.

Tito Roman cleared his voice.

"Pwede pero... Planado na ang lahat, Alicia. From your departure until the end of the plan."

Nagkibit balikat ako. This is what I've thought in my room. Hindi na nga ako malaya pero baka pwede naman akong masunod kahit minsan lang. Maybe they can really show if they are genuine about my safety if they can compromise to my request.

"Hindi ba mas maganda nga iyon? Sobrang layo ng agwat ng flight natin. It wouldn't be too suspicious."

For the nth time they exchange looks again. I rolled my eyes.

White Lies (Green Series 2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang