Kabanata 8

4 0 0
                                    

Kabanata 8

Rain

Run.

Don't stop running.

Kahit na masakit na ang paa ko hindi ako titigil sa pagtakbo.

It's dark. I'm not sure if the bright moon is a help or a cruse. A help for I can see glimpse of my surroundings. A curse for he can see me too. Nahihirapan na akong huminga. Marumi na panigurado ang suot kong uniform. Lubak ang daan kaya putikan na rin ang sapatos ko.

Nang lagpasan ako ni Tito Raul kanina sa tinataguan ko ay tumakbo ako pabalik. Ang hirap pa ay magtatago ako sa mga talahib para lang hindi niya makita. Pinaghalong natuyo na pawis at luha ang nararamdaman ko sa pisngi ko. This is not the time to cry, Alicia. Hindi ka maliligtas ng luha ngayon.

Nahihirapan akong tumakbo ng mas mabilis dahil lubak at putikan ang daan. Dumidikit sa sapatos ko kaya mabigat sa paa.

"Alicia!"

I heard him. I know he's far but he can catch up on me in no time. Lalong kumabog ang dibdib ko kaya hindi ko na inalintana ang hirap na nararamdaman sa babang bahagi ng katawan at lalong binilisan.

Tigilan mo na ako, Tito Raul! Maawa ka sakin!

I cried in my mind. Hindi nagtagal at nakita ko rin ang kongkretong kalsada na pinanggalingan namin. Malayo pa iyon ngunit ang mga poste ng ilaw na nakikita ko ay nagbibigay ng pag asa sa akin.

"Alicia! Huwag mo na akong pahirapan!"

I immediately ducked to the ground when I heard him. Malapit na siya! Maybe he saw my shadow from the post's light. Lumuhod ako sa putikang lupa at nag umpisang gumapang. I search at my surrounding for a place to hide. Isang puno ng acacia ang nakita ko. Kahit na may kalayuan ay ginapang ko papalapit don.

Bullets of sweats are lining in my forehead. Ang mga mata ay lumalabo dahil sa luha. Agad kong pinunasan iyon at nalagyan ng kaunting putik ang mukha ko. Ramdam ko ang rumi ng katawan, ang pagod at ang takot ng sabay sabay. Fear is eating me up.

Nang makarating sa puno ay agad akong umikot sa likod. I sat there and hugged my knees.

Mommy, Daddy, help me please. Get me now. Ayoko nang mag isa. Natatakot na po ako.

Tears start to flow to my cheeks as I continue to call out the people that can save me from this. Bakit ba kasi ako naiwan ng mag isa? Sana kasama na lang nila ako. They should be here protecting me but I'm alone. The physical pain in my chest is bearable.

"I gave you multiple chances! 'Wag mo na akong galitin pa ng todo!"

I closed my eyes. My lips are trembling and my hands are shaking and almost losing its force.

Mommy, I'll promise to behave. I'll promise to follow your commands. Just please come back.

"This is my last warning! Lumabas ka na para hindi na ako lalo pang magalit!"

Help me, Daddy. I'm scared. I need you now. You and Mommy. Please.

Please.

Help me.

"Please..."

And just like that my eyes opened. Ceiling ng kwarto ko ang unang bumungad sa akin.

But it's blurred.

And I'm sweaty and hot.

I let out a cough before sitting up. Another dream. A nightmare. Perhaps a memory that I wanted to forget for years.

Kahit na nakabukas ang aircon ay pawis na pawis ako. Basa na ang tank top na suot at ang cotton pajamas ko ay mainit na sa pakiramdam. Tumayo ako at sinulyapan ang orasan. Alas kwatro na ng umaga.

White Lies (Green Series 2)Where stories live. Discover now