Kabanata 4

8 0 0
                                    

Kabanata 4

Tool box

Sumama nga si Viola sa akin. We took a tricycle. I forgot the name of the mall I went to kaya hindi ko agad ito nasabi sa manong driver. Nauna si Viola na magsalita. I don't remember if it's the same mall.

"Mega, kuya,"

We sat inside the tricycle in silence. Siya ang nasa may bukana. I've memorized the way from the mall at iba itong pinupuntahan namin. Mas malayo ng ilang minuto. When we arrived at the mall ay nauna rin siyang mag bigay ng bayad habang binubuksan ko pa lang ang wallet ko.

Hindi na ako nagreklamo at sumunod na lang sa kanya. I need batteries. Baka pwedeng ngayon na rin ako bumili ng sariling gamit like tools and stuff. I remember that I'm running out of lotion as well.

Pag pasok namin ay hinarap ako ni Viola.

"Saan ka? Sa groceries ako dahil may kulang na ingredients sa iluluto ko for dinner,"

Luminga ako sandali sa paligid. Mas crowded dito at maraming tao. May kaunting panic na dumaloy sa aking siatema habang tinatanaw ang mga tao. What if men of Tito Raul are here. Paano kung bigla na lamang may humablot sa akin? Hindi ko alam kung saan dito ang mga kailangan ko at natatakot ako na mag isang gumala.

"Sa hardware sana. I need batteries and tools. Tapos ay sa groceries din para sa mga kulang kong necessities..."

"Okay. Samahan muna kita sa hardware tapos sabay na tayo sa groceries."

Nauna na siyang maglakad kaya sumunod ako. I sometimes caught eyes starring at me... or at Viola. Maybe it's not me. I hope it's really not me. Kada mata na nakikita kong nakatingin sa akin ay sobrang nagpapa kaba. I'm wearing a mask and Viola isn't. Siguro ay hindi lang iyon nakikita ni Viola.

We went to the 2nd floor and found a hardware. Pumasok doon si Viola. We are greeted by sales men. Nagtanong ang isa ngunit nagtaas ng kamay si Viola upang senyasan sila na kaya na niya. Pumunta kami sa row kung saan naroon ang mga batteries.

"Anong kailangan mong battery?"

Ngumuso ako habang tinitignan ang iba't ibang laki ng batteries sa harapan ko. May isang sales man na nakasunod sa amin at may dalang basket. I forgot to get one. Kakailanganin ko iyon sa dami ng bibilhin.

I took the type of battery I need. Apat na pack iyon at inilagay ko sa basket. Sinipat ako ni Viola.

"Bakit sa basket pa? Malapit naman ang counter,"

"Uh... kailangan ko rin kasi bumili ng mga tools. Katulad nung mga iyo..."

Nagtaas siya ng kilay sa akin.

"Bakit? Pwede ka naman humeram sa akin,"

Umiling ako.

"Gusto ko na may sarili akong gamit..."

Salamat sa maykapal at hindi na siya nagtanong pa. Imbis ay siya na ang nanguna sa pagkuha ng mga kailangan ko. Halos kapareho ng mga gamit niya ang kinuha niya para sa akin. She even got a tool box just like hers. Nag hihintay na kami sa counter nang magtanong ang sales man na siyang nag bigay ng service sa amin.

"Saan ba kayo mga miss? Mabigat kasi 'to. Baka may dadaanan pa kayo bago sumakay ng tricycle,"

Nakatingin ako sa kaniya at ganon rin siya sa akin. Nilingon ko si Viola. Diretso ang tingin nito sa mga tools na pinamili. Hawak niya ang isang screw driver nang sumagot.

"Iwan muna namin sa baggage counter sa groceries," aniya.

I actually admire how she can interact with people without interacting at all. It's like she can talk to strangers without actually giving her interest. Ang lamig ng pakikitungo niya sa ibang tao ay sumisigaw na kaya niya ang sarili niya.

White Lies (Green Series 2)Where stories live. Discover now