Simula

28 1 0
                                    

Simula

Run.

Don't stop.

Run until the help comes.

Hingal na hingal na ako. Nanlalamig na ang dibdib ko. Tuyo na ang mga luha sa aking pisngi at napapalitan na iyon ng pawis. Masakit na ang mga paa ko. Madilim at ang malabong tanglaw lang ng buwan ang tanging ilaw ko sa daan. Hindi ako pwedeng huminto dahil maaabutan niya ako.

He's gone mad. It was not my fault. Hindi ako ang may kasalanan and I would never want that to happen pero tapos na. Taon na ang lumipas. Kung titimbangin kung sino ang mas may nawalan, ako iyon. Pero bakit ako ang pinagbibintangan? Bakit galit na galit sa akin?

Hindi ko na alam kung nasaan ako. He brought me here. All I can see is a large rice field. Malayo pa ang susunod na bahay pero kaya ko pang takbuhin iyon. I left him in his car after I kicked him. It's a simple self-protection that I learned. Kailangan ko iyon dahil sarili ko na lang ang maaasahan ko.

I don't know if he is chasing me by foot dahil tumakbo ako agad. Sa likod ng mga puno ako tumatakbo sa takot na mabilis niya akong mahahablot kung sa open space ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I want to call Tita Sandra but I left my phone.

Gusto ko nang huminto. Gusto kong umupo at magtago na lang pero mas delikado iyon. Hihingi ako ng tulong sa mga tao sa bahay ba natatanaw ko. Iyon lang ang magagawa ko.

Habang tumatakbo ay sumabit ang palda ko sa maliit ngunit matalim na kahoy na nakausli. Agad akong huminto. I can hear the noisy beat of my heart. Hinatak ko ang palda ko pero mayroon atang bakal kaya nagkaroon ito ng maliit na butas. Inaayos ko ang laylayan ng palda ko nang may narinig akong yapak na papalapit. Natanglawan din ng kaunti ang balikat ko ng ilaw na tingin ko ay galing sa flashlight. Dumoble pa ata ang kaninang pang mabilis na tibok ng puso ko.

Where will I run?

"Cia!"

Lumuhod ako at pilit na itinago ang katawan sa malaking puno kung saan sumabit ang palda ko. Palayan na ang katabi ko. I curled my body like a ball. Nanginginig at takot na takot. Tears began to stream down my face again. Mahigpit kong hinawakan ang bibig ko sa takot na may hikbi na makalabas.

"Cia! Lumabas ka na! Huwag mo na akong pahirapan pa. Hindi pa ba sapat yung pasakit na binigay mo sa amin ng mommy mo?"

Pumikit ako sa sakit ng dibdib ko. I didn't do anything wrong! Why are they blaming me?

"Lumabas ka na. Kahit anong tago ang gawin mo, mahahanap at mahahanap kita."

Someone please help me.

"Cia!"

Ayoko na.

"Lumabas ka na, Alicia!"

Wala akong ginawang masama.

"Cia!"

I was a victim too!

"Tama na!"

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga at dali-daling humugot ng malalim na hininga. My hands are shaking. Napahawak ako sa dibdib ko. My heart is beating wildly. Bullets of sweat formed on my forehead.

It's just a dream, Alicia.

Umiling ako sa sarili ko. Hinawi ko ang makapal na comforter na nakapalibot sa akin at tumayo.

It wasn't just a dream.

All the lights are down. I'm more comfortable in dim lights. Pakiramdam ko kasi sa ganito lang ako ligtas. They won't find me easily with less lights. Pumunta ako sa banyo at humarap sa salamin. How I miss my long hair. It's gotten shorter and shorter. Baka sa susunod mag pixie cut na ako. If only I could live freely.

White Lies (Green Series 2)Where stories live. Discover now