Chapter 38

1.9K 186 35
                                    

"Ayoko.", mariin niyang saad nang itanong ni Celso sa kaniya kung maaari bang manatili sa kanila pansamantala si Isabel.

No. Scratch that.

Si Maria.

She will refuse to call her Isabel kahit pa man iyon na ang tawag ni Celso sa babae.

Besides, her name is Maria Isabel.

Bakit ako pa ang dapat mag-adjust sa babaeng ito?!

Kung hindi pa nga siya malakas na umubo kanina ay mukhang hindi naman siya mapapansin ng dalawa. Para bang nasa ibang mundo ang mga ito at wala ng pakialam sa ibang mga tao.

Agad namang lumayo si Celso sa babaeng iyon ngunit kitang-kita niya sa mata nito ang isang kakaibang damdamin.

She had a bad feeling with that emotion that flickered on Celso's eyes.

"Mahal... pansamantala lang naman. Hindi ba't kailangan mo rin ng makakatulong sa mga gawaing-bahay?", pangungumbinsi ng kaniyang asawa.

"Hindi ko kailangan ng tulong.", inis niyang sabi sa lalake.

Ano siya?! Tanga?! Siya mismo ang magpapapasok ng ahas sa sarili nilang bahay?!

"Mahal, isang matalik na kaibigan si Isabel. Kababata ko siya. Isa siya sa mga taong tumulong para masanay ako sa pamumuhay dito sa Pilipinas. Maliit na bagay lamang ang pagtulong sa kaniya ngayon.", pagpupumilit pa rin ni Celso sa kaniya.

Sinamaan niya ito ng tingin.

Hindi ba nararamdaman ng lalake na nagseselos siya sa babaeng ito?!

Aayaw na sana siya ulit pero biglang sinabihan ni Celso ang putang-inang Maria na bigyan muna sila ng konting privacy kaya naman unang naglakad papalabas ng alleyway na iyon ang babae.

"Mahal... anong problema?", masuyong tanong ni Celso habang hinihila siya papalapit dito para mayakap.

Her anger quickly melted away when he wrapped his arms around her.

Ginantihan niya ang pagyakap nito at binaon ang mukha sa may dibdib nito.

"Nagseselos ako...", mahina niyang bulong na agad namang tinawanan ng asawa.

"Wala kang dapat ipag-alala. Ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko panghabang-buhay. Walang iba.", pagre-reassure ng lalake sa kaniya.

But that's not what I saw a while ago...

Gusto niyang isumbat dito ang nangyari kanina.

Bakit noong siya ang humihingi ng tulong noong una silang nagkita ay hindi man lamang siya nito pinansin?!

Bakit ngayon ay napakabilis nitong sagipin si Maria at inalok pa nga kaagad ng trabaho?!

Bakit kanina ay ang tindi ng pagtitigan nilang dalawa?!

All those questions are whirling all around her head but it suddenly vanished when Celso cupped her cheeks and kissed her.

Pinulupot niya kaagad ang mga kamay sa may leeg nito at nilasap ang mga halik nito.

In the end, napa-oo na siya.

Tang-ina, ang rupok ko.

Pagkatapos siyang makumbinsi ni Celso ay agad naman nilang hinanap si Maria na kasalukuyang nakatayo sa labas ng alleyway na iyon at hinihintay sila. Iniwan na lang nila ang dalawang lalakeng nakabulagta sa lupa na mukhang nabugbog ni Celso kanina.

Kita niya ang pagliwanag ng mukha ni Maria nang sabihin ng asawa niya na pumapayag na siya na pansamantalang manirahan muna ito sa kanila.

Todo ngiti ang bruha kay Celso at ilang ulit na nagpasalamat ngunit nang siya naman ang pasasalamatan nito ay agad niya itong pinagtaasan ng kilay at inirapan.

Kasama nila ang babae nang bumili na si Celso ng pako hanggang sa paglalakad nila pabalik sa kalesang nakaparke sa may harapang bahagi ng palengke.

Tulad ng nakagawian ay tinulungan naman siya ni Celso na makasakay sa kalesa ngunit pagkatapos masiguradong nakaupo na siya ng maayos ay si Maria naman ang tinulungan nito.

Ang putang-ina umarte pang nadulas at mahuhulog sa kalesa kaya naman maagap itong sinalo ng kaniyang asawa.

Nag-moment pa ang dalawa at nagkatitigan pa ulit ang mga ito kaya naman maagap niyang pinutol iyon at pagalit na nagsalita.

"Tanga lang girl?! Bulag ka ba?!", asik niyang sabi dito na nagpagising sa mga diwa nina Celso at Maria. Mabilis namang tinulungan ni Celso ang babae para makasakay bago ito pumwesto sa harapan.

Magkatabi sana sila doon pero sa likod siya pina-upo ng lalake para siguro may kasama si Maria.

Inis niyang nilingon ang babaeng nakaupo sa gilid niya at ineksamina ito.

Ayaw man niyang sabihin pero magsisinungaling siya kung sasabihin niyang pangit ito.

Sa totoo lang ay maganda ito. Pang-anghel ang mukha. Iyong tipo ng mga babaeng unang kita mo palang ay masasabi mo ng hindi makababasag ng pinggan. Kung artista pa ito sa panahon niya ay sigurado siyang pang-bidang role lang ang laging makukuha nito.

Unlike her...

For the first time in her life, na-insecure siya sa mukha niya.

Parang gusto niyang magpa-plastic surgery at magpa-iba ng mukha para matanggal ang maarteng face niya.

Mukhang napansin naman ni Maria na kanina pa siya masamang nakatingin dito dahil bigla itong napatingin sa kaniya.

She shyly smiled at her before introducing herself.

"Ako po si Maria Isabel. Ikinagagalak ko pong makilala kayo.", magalang nitong pakilala sa kaniya habang nginingitian siya.

Hindi siya plastic at never siyang magiging plastic.

"Wala akong pakialam.", maarte niyang sagot dito. She rolled her eyes on her and focused her attention on the road ahead.

Hinahamon mo ako Direct Percy?

You want me to be the bad guy?

Challenge accepted.

She had years of practice on being the villain of the story. Since bata pa siya ay kontrabida roles na ang nakukuha niya. This would be as easy as a pie and she would make sure that she's not the one who will cry on the end.
Napa-smirk na lang siya habang nagplaplano sa isip niya.

Gusto mo akong maging kontrabida... then so be it. I will make this girl's life a living hell.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Sorry po sa sabaw na update. 😟
I saw a lot of people worrying about the ending. Actually dalawa ang ending na naplano ko.

Hanggang 45 chapters lang kung sad ending pero if ok lang sa inyo na umabot ng 60 chapters then all I could say is that it would be worth it.

Let me know your thoughts para naman malaman ko kung anong ending isusulat ko. ☺️

My Love In Her Past (3rd Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon