Chapter 15

2.1K 213 19
                                    

A/N: Sorry po for being inactive for almost 4 days! 😭 Ang hirap maging college student. Ang rami pong requirements na kailangang ipass.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

BETTY'S POV

The days passed by in a blur.

Aaminin niyang nahirapan talaga siyang maka-adjust. She's not used to receiving orders because she's the ONE that usually gives it. Pero dahil nga hindi niya panahon ito ay kailangan niyang lunukin ang higanteng pride niya at gawin lahat ng mga utos ni Celso.

He's not that bad naman. Sa katunayan ay pagkalipas ng ilang araw ay niluwagan na nito ang mga gawain niya.

Tanging paglalaba, paghuhugas ng pinggan at paglilinis ng bahay ang pinapagawa nito sa kaniya. Ito na ang kumuha ng mga mabibigat niyang gawain tulad ng pag-iigib at paghahakot ng kahoy.

He's just testing her siguro kaya nito iyon pinagawa sa kaniya in the first place.

Sa katunayan ay kasalukuyan siyang naglalaba ngayon. Ang bilis kasing rumami ng mga labahin dahil na rin sa dalawang lalakeng kasa-kasama niya.

Mga masyadong pabaya kaya ang daling madumihan ang mga damit.

Napatigil na lamang siya sa pagkukusot ng mga damit at tiningnan ang kamay niyang nanghahapdi.

Her used-to-be long painted nails are now clipped into short more boring looking ones.

Ganito na ang itsura ng mga ito nang napunta siya dito pero sinubukan niyang pahabain itong muli pero in the end ay puputulan pa rin niya.

Kailangan niyang gawin iyon dahil nakakasagabal ang mahahaba niyang kuko sa mga trabaho niya.

The laundry soap here is also very harsh.

It stings at parang mapapaso ang kamay niya dahil dito. May alternative naman na sinuggest si Jose sa kaniya but it's not that effective in removing the stains kaya naman tinitiis na lang niya ito.

Mas mabuti na ito kasi mabilis lang siyang natatapos sa mga labahin niya.

I will totally pamper my hands when I came back to my original life. 

Everything is going all right but there's one thing that doesn't settle well with her and that is the fact that Celso seemed to be avoiding her.

Ayaw na ayaw nitong lumapit sa kaniya.

As if she's carrying a deadly plague or something and it frustrates the hell out of her.

Naturn-off ba ang lalake dahil sa proposal ko? O baka naman nabigla?

I mean, kung ikaw ba naman yayain maging asawa ng isang dyosa, tiyak magugulat ka talaga.

Yup. That explanation seemed to be right.

Naputol bigla ang iniisip niya nang may marinig siya na tumatawag mula sa direksyon ng maliit na tulay nila.

Lumingon siya kaagad doon at nakita ang dalawang matandang mag-asawa na nakatayo sa tulay at parang nag-aalangan pa.

"Tao po?", may kalakasan na ani ng matandang lalake. Nakahawak sa may braso nito ay ang asawa nitong pinapalibot-libot pa ang paningin sa bahay nila.

Who are this people?

She looked at the house to see if anyone would come out and entertain the old couple but no one did.

Wala atang nakarinig sa pagtawag ng dalawa.

My Love In Her Past (3rd Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon