Chapter 66

1.9K 157 45
                                    

Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Celso sa kaniya at nilingon ang lalake.

"Totoo ba iyon?", mahina niyang ani.

Hindi siya makapaniwala.

He really did agree on letting their baby die.

"Mahal...", nagsusumamong wika ng lalake at lalapit sana sa kaniya ngunit nilayo niya ang sarili dito.

"Putang-ina Celso! Totoo ba?!", sigaw na niya dahil tila ayaw magsalita ng lalake.

Bakit?

Dahil ba totoo?!

Nagdadalawang-isip itong tumango na nagpaguho ng mundo niya.

Ginusto ni Celso na mamatay ang anak nila.

Unti-unting rumami ang luha na nagmumula sa mga mata niya.

She can't believe it.

Takot na takot siya na malaman ng lalake ang tungkol sa anak nila na namatay dahil sa kapabayaan niya just to find out that he indeed wanted for their baby to die.

"Why?", hindi na niya alam ang dapat maramdaman. Gulong-gulo na ang isipan niya.

Hindi nakasagot si Celso sa kaniya at napaiwas na lamang ito ng tingin sa kaniya pero agad namang nagsalita ang matandang direktor na nagpabaling ng atensyon niya dito.

"Beatrice... tulad ng sinabi ko kanina... A soul for a soul. Ikaw ang nagsilbing sakripisyo sa nakatakdang pagkakamatay ni Celso pero sa tingin mo bakit ka pa rin buhay ngayon?", ani ng matanda na nagpatigil sa mga luha niya. "When you fell from the bell tower... you should have been dead. Hindi ka dapat makakabalik sa panahon mo. Diretso ka na dapat kay Sidapa.", saad ng matanda sabay turo sa lalakeng kanina pa tahimik sa tabi nito. He's just watching all of this revelations happen.

"But... I changed your fate Beatrice dahil minahal ka na ni Celso. Susunod at susunod siya sa iyo. So.... instead of the afterlife... I made it into this future timeline. But have you ever thought how are you still alive even if you died?", dagdag na sabi ng direktor. "You became the sacrifice for Celso's life but your baby became the sacrifice for YOUR life."

Sacrifice for my life?

"Mahal...", tawag muli ni Celso sa kaniya kaya naman napalingon siya dito.

He's crying. Mukhang gustong-gusto nitong lumapit sa kaniya pero nag-aalangan kung papayag siya.

"Kailangang mamatay ng anak natin para hindi ka sundan ni kamatayan.", halos paiyak nang saad ng lalake na nagpagulo na naman ng utak niya.

Kamatayan?

She glanced towards Sidapa and saw him smirked towards her direction.

He's the God of Death right?

Malakas itong bumuntong-hininga bago nagsalita.

"Siguro ay dapat ako na ang magpaliwanag sa iyo ng parteng ito.", he said in a very manly voice. Ang lalim ng boses nito at aakalain mong galing impyerno pa ang tinig nito dahil sa lalim niyon.

She felt Celso walked towards her and embraced her from the back. Hindi niya makayang itulak muli ang lalake papalayo dahil hindi na niya alam kung makakaya pa niyang tumayo ng tuwid.

"Narinig mo na ang paliwanag ni Direct Percy kung anong klaseng diyos siya. Ngayon ay ipapaliwanag ko kung ano ako.", panimula nito bago umayos ng upo. "Ako ang diyos ng kamatayan. Ako ang naggagabay sa mga patay na kaluluwa upang makatawid sila sa kabilang buhay. Tulad ng sinabi ni Tadhana kanina... diretso ka dapat sa akin pagkatapos mong mahulog at mamatay sa bell tower ngunit humingi ng tulong si Tadhana sa akin.", saad nito sabay turo kay Direct Percy.

My Love In Her Past (3rd Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon