Special Chapter 1 Part 2

1.8K 214 67
                                    

"Celso... bahay ito nina Horatia diba?", taka niyang tanong sa asawa habang pinapanood itong ipasok ang kalesa sa malaking hawan na nasa harapan ng bahay ng kaibigan.

Kita pa niya ang nakangiting si Horatia na nakatayo sa teresa ng bahay habang ang asawa nito ay nakapwesto sa likod ng babae na para bang sinisigurado nito na hindi matutumba si Horatia patalikod.

Kita na kasi ang baby bump ng bestfriend niya pero may pagka-OA ata ang asawa nito dahil hindi pa naman iyon gaanong kalaki para maging dahilan ng pagkatumba nito.

"Oo.", tipid na sagot ni Celso sa tabi niya pero hindi nito iyon dinugtungan bagkus ay bumaba na ito sa kalesa at agad na umikot sa pwesto niya at tinulungan siyang pumanaog.

Nasa loob ba ang parents ko?

Imposible.

Walang pakialam ang mga iyon sa kaniya.

Nagtataka man ay sumunod na siya dito at naglakad na palapit sa nakangiting mag-asawa. Bumaba na pala ang mga ito mula sa teresa at sinasalubong sila sa may hagdanan ng bahay ng mga ito. Agad namang tinanggal ni Horatia ang pagkakahawak ni Isagani dito at nagmamadaling lumapit sa kaniya.

"Anak!", sigaw nito sa kaniya habang nakangiti ng pagkalaki-laki.

Anak?

"The hell? What are you saying, dummy?", maarte niyang tanong habang pilit na tinatanggal ang pagkakayakap ni Horatia sa kaniya.

Sanay siyang magmaldita dito kaya naman sigurado siyang hindi didibdibin ni Horatia ang sinabi niya pero nakakunot na nakatingin sa kaniya sa Isagani kaya naman ang plano niya sanang pagbatok sa bestfriend ay naudlot.

Baka mapagalitan pa ako ng asawa nito.

"Ayiiee! Ang saya-saya ko kasi ikakasal ka na, anak!", maligayang saad ni Horatia matapos nitong tanggalin ang pagkakayakap sa kaniya ng mahigpit.

"Bitch what are you saying?", she annoyingly asked that made Horatia looked at her in a bitch-just-shut-up look.

Agad siyang kinurot nito sa singit na naging dahilan kung bakit nagmamadali siyang lumayo dito.

"Aray! Bakit ba?", inis niyang tanong dito na nagpatawa sa dalawang lalake.

Sinamaan niya ng tingin si Celso pero hindi naman ito natakot sa kaniya bagkus ay mas lumakas pa ang tawa nito na parang natutuwa pa ito sa pinaggagagawa ni Horatia.

"Mahal, mag-usap muna kayo ni Horatia. May pag-uusapan rin kasi kami ni Isagani.", ani nito sa kaniya sabay halik sa noo niya.

Nagtataka siyang napasunod ng tingin sa dalawang lalakeng naglalakad papasok ng bahay habang siya naman ay hinila ng gaga sa kung saan.

"Seriously Horatia... You're creeping me out.", saad niya habang nagpapatangay sa bestfriend papalapit sa may tangkal ng baboy.

Hindi naman pinansin ng kaibigan ang sinabi niya bagkus ay tinuro pa ang dalawang baboy na nasa loob ng tangkal at nagsalita.

"Bigay ng asawa mo sa amin.", sabi nito na nagpakunot ng noo niya.

Bakit bibigyan ni Celso ng baboy ang kaibigan niya?

Hindi pa rin siya nakaka-get over sa sinabi nito nang hinila na naman siya ni Horatia papalapit sa kulungan ng mga manok nito.

"Bigay rin ng asawa mo ang limang manok na nandiyan.", wika nito habang turo-turo naman ang mga manok na nandoon.

Ang agad na pumasok sa kaniyang utak ay si Maricel.

She quickly scanned all the chickens there and breathed a sigh of relief when she confirmed that Maricel was not there.

My Love In Her Past (3rd Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon