Author's Note

1.6K 186 54
                                    

Hello everyone... sorry if hindi po update. Tinatapos ko pa po kasi pero baka mamayang 11pm or bukas ng gabi ay maka-update na ako.

I just wanna say thank you so much for being here with me hanggang sa matapos itong "In Her Past" series. I still can't believe that a lot of people are already loving my characters. Naa-appreciate ko po talaga ang presence niyo dito.

I've been writing on Wattpad for so long. 3 years of having no readers. Just me, myself and I. Ako lang nagbabasa at nagvovote sa stories ko. Kaya naman I want all of you to know how much I treasure all of you.

Your comments matter the most to me kasi through them nalalaman ko na totoo pala kayo at hindi lang imagination ko. Pero sana naman po if hindi niyo pala gusto iyong stories ko eh huwag niyo na lang basahin.

Nakakasakit po kasi kayo ng damdamin.

Hindi niyo po ako binabayaran. Hindi po ako kumikita. Libre po itong pagsusulat ko. Kaya sana naman huwag kayong umaktong parang kailangan kong sundin mga standards niyo.

Nakakasakit na po talaga kasi kayo.

Saying things like:

"Iyong writing style niyo hindi naman bagay sa HisFic."

"Bakit ba ito nanalo?"

"Hindi naman pala maganda."

You do realize that those simple words can kill someone's passion in writing.

I've kept all of the frustrations that I felt because of this comments. Ni mga close friends ko dito sa Wattpad ay hindi alam ang tungkol diyan dahil ayaw kong masabihan na drama queen o OA.

If hindi niyo gusto then maghanap po kayo ng ibang story na babasahin. Hindi po yung parang aakto kayong misyon niyo sa buhay ang hanapin kada butas sa stories ko.

Lately nawawalan ako ng ganang mag-update dahil sa kada bukas ko ng Wattpad ay iyan ang bumubungad sa akin.

Pero dahil marami namang mga readers na genuinely ay gusto ang stories ko kaya naman I'm pushing myself to finish this.

I'm just asking for all of us to be good-mannered readers. Hindi lang po para sa akin at sa mga stories ko pero sa lahat ng mga stories na binabasa at babasahin niyo pa.

If hindi niyo po gusto then stop reading the story and look for other stories that will satisfy your taste. Let us learn to respect all writers. Not just the popular ones but also the underrated too.

Iyong simpleng salita na akala niyo ay "ok" lang can make a writer lose her confidence in her own writing.

Read your comments or messages twice and assess if it's not something that can offend someone. Baka kasi hindi ganoon ka-harsh sa inyo pero sa isang writer na katulad ko na sa una ay pangarap lamang ang magkaroon ng mga readers ay talagang nakakasakit iyon.

I'm really happy that you're all here.

Salamat sa mga sumuporta.

Salamat sa mga nagbigay ng encouraging words.

Salamat sa mga naniwala.

I may not able to reply to all of your comments but rest assured that I've already read them.

Sa mga nagvo-vote ng kada chapters ko pero hindi nagcocomment... I just want you to know that even though you're not active on the comment section, I can still memorize who voted on my stories. I still appreciate you and your votes are something that can make my day a whole more brighter.

Sa mga nagtatanong if may plano po ba akong mag-publish ng libro...

Well... I'm still not sure po. I don't have any slightest idea paano magself-pub at ang tanging alam ko ay marami akong dapat asikasuhin if icoconsider ko iyan.

Pero ngayon po ay ito muna ang maibibigay ko sa inyo.

I made a book mockup para naman makapag-imagine ako na someday baka may miracle na mangyari at talagang maging published author ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I made a book mockup para naman makapag-imagine ako na someday baka may miracle na mangyari at talagang maging published author ako.

Those who added me on FB already saw this one and the other teasers for my upcoming stories kaya naman kung gusto niyo rin po akong maka-usap ay pwedeng-pwede niyo akong i-add sa FB.

Salamat po talaga sa pagtanggap sa akin kahit pa man ang rami kong lapses.

Salamat sa pagbabasa ng mga akda ko.

Salamat po talaga. ❤️

My Love In Her Past (3rd Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon