XIII

12 2 4
                                    

"SUNOOOOOOOG!" Naputol ang titigan ng dalawa nang umalingawngaw ang boses ng isa sa buong gusali. Kapwa nanlaki ang mga mata ng dalawang binibini. Nagsimulang maglibot ng tingin ang mga ito. Sinusubukan ni Kalesing humanap ng kahit anong pahiwatig o kahit anong makakapagsabi sa kaniya kung saan nanggaling ang apoy na tinutukoy o kung totoo man ang bantang iyon habng natataranta sa loob si Catalina. 

Dumako ang tingin nito sa isang bahagi ng dingding. Isang hakbang pa lamang ang ginawa nito upang makalapit doon ngunit napaatras din nang makitang unti-unti kinakain ng apoy ang kahoy na dingding na iyon. Sa panig nila ng gusali nagsimula ang sunog. Bakit hindi nila kaagad naamoy kung gano'n?

"Kalesi?! Catalina?! Bakit ayaw bumukas?! Mang Baldo! Kumuha kayo ng kahoy, gigibain natin ang pinto!" rinig pa ng mga ito mula sa labas. Boses ito ng binatang heneral.

"Binibining Catalina, ang pinto! Buksan mo na! Kailangan nating makalabas dito!" Sa taranta'y nanguna si Catalina sa pagtakbo palabas. Ngunit natigil si Kalesi nang mapansin ang unti-unting pagguho ng plywood na kisame. 

"Sandali, sandali! Tumigil ka!" hablot ni Kalesi sa braso ng dalagang Diaz. Binigyan siya nito ng isang naniningkit na tingin saka hinawi ang kamay ni Kalesi na nahawak sa braso nito.

"Bitawan mo ako! Kung gusto mong mamatay dito, h'wag mo akong idamay! Lalabas ako rito kahit kasama ka o hindi!" takwil nito sa braso ni Kalesi na nakahawak sa kaniyang braso saka nagpatuloy sa pagtakbo patungo sa pintong kasalukuyang ginigiba ng mga kalalakihan sa kabilang panig.

Mabilis kumalat ang apoy dahil sa kahoy na istraktura ng gusali. Batid ni Kalesing wala nang pag-asang maunahan pa ang pagbagsak ng piraso ng kisameng iyon. Kailangan muna nilang hayaang bumagsak iyon saka humanap ng paraan paikot.

"Teka lang, Catalina, ang kisame!" sigaw pa nito ngunit hindi nakinig sa kaniya ang binibini sa halip ay patuloy pa rin sa kaniyang pagtakbo makalabas lamang ng silid. Bumaling muli ito sa kisameng malapit nang bumagsak. Sakto rin dahil nabuksan na ng mga kalalakihan sa kabilang panig ang pintong kahoy. Bumungad sa kaniya ang palinga-lingang tingin ni Marcelino at Kiandro.

Napangiwi na lamang to sa naisip na paraan para iligtas ang binibining kasama sa sariling katangahan nito. 

Mabilis itong tumakbo patungo sa likod ni Catalina saka buong lakas itong itinulak palabas ng silid. Napasubsob ito sa dibdib ng bunsong Anastasiang hindi rin kinaya ang akas ng pagbangga nito dahilan ng pagtumba nilang dalawa. 

"Kalesi!" bulalas ng binatang heneral nang makitang napaupo ang dalaga sa sahig nang buong lakas nitong itinulak si Catalina. Tumakbo ito sa direksyon ni Kalesi ngunit siya rin mismo'y napaatras nang biglaang bumagsak ang kisame sa harap nito. 

Unti-unting naglaho sa paningin ni Marcelino ang pigura ng dalaga sa loob ng silid sa paglamon ng apoy sa loob. Kasabay nito ang unti-unting pagkakabingi ni Kalesi. 

"Kalesi! Kalesi, kung naririnig mo ako, nasa..." unti-unting naglaho ang pandinig niya. Sinubukan nitong takpan ang kaniyang tainga saka muling pakinggan ang paligid ng maigi ngunit sa pagkakataong ito, isang matinis at tuloy-tuloy na kuliling na lamang ang kaniyang naririnig. Maging ang tunog ng apoy sa kaniyang paligid ay hindi pumapasok sa kaniya. Nagsimula maging malabo ang paningin nito dahil sa tubig na namumuo sa kaniyang mga mata.

Pamilyar sa kaniya ang senaryong ito. Isang senaryo noong walong taong gulang pa lamang ito. 

"Lising ko..." iyon ang unang tinig na siyang nahagilap ng kaniyang tainga. Kilala niya ang boses na iyon.

"Ina? 'Na!" luminga ito sa paligid upang hanapin ang pinanggalingan ng boses na iyon. Sinasakop na ng makapal na usok ang buong silid ngunit napabalikwas ito ng gapang nang makita ang isang kamay na nakapailalim sa isang kumpol ng mga gumibang kahoy. Buong sikap itong gumapang patungo sa mallim na parte ng silid. Kahit na minsa'y may bumabagsak pang mga nagliliyab na mga apoy sa harapan niya pa mismo, nagpatuloy ito sa paggapang.

PrequelaWhere stories live. Discover now