II

20 4 0
                                    

Maaliwalas ang madaling araw, ilang oras pa bago magbukang-liwayway. Mahamog ang daang tinatahak ng higit 30,000 na kasapi ng rebelyon na naglalakbay ng isang mahabang linya. Ang mga ibang mga kababaihan ay sakay ng mga karwaheng hila ng mga kalabaw habang pinalilibutan sila ng mga kalalakihang sakay ng kabayo at ang iba pa'y buong lakas na naglalakad at pinoprotektahan ang mga kasamahan nito sa buong paglalakbay tungo sa kanilang orihinal na kampo sa tuktok ng bundok ng Boasa.

"Kalesi! Psssst, binibini!" Hindi pinansin at binigyan ng tingin ng dalaga ang sumisitsit mula sa likod. Inisip niya na lamang na isang malaking ahas ang isang iyon saka nagpatuloy sa paggabay ng sakay nitong kalabaw na hila ang karwahe ng mga kagamitan ng kanilang ama na ngayo'y pinangungunahan ang paglalakbay.

"Binibini! Kalesi! Sssssst!" Sa pagkakataong iyon ay kinalabit na ng binata si Kalesi dahilan ng pagkakairita nito at paglingon sa kaniya.

Mangilan-ngilan na rin siyang linilingon ng binibini ngunit wala naman itong tinutugon kundi ngiting malapad saka lalagpasan ito sakay ng kabayong inilaan sa kaniya ni Ca Kirong. Ngunit iba ang tinugon nito sa pagkakataong iyon.

"'Sing ganda ng araw ang iyong ngiti... binibini." saka ito linagpasan. Naiwang tulala ang doon ang dalaga. Ang pagtawag sa kaniya ni Kiandro ng 'binibini' ay pamilyar ngunit naghahatid ng kakaibang kaba sa kaniyang sistema.

Nabalik na lamang sa ulirat si Kalesi nang biglang tumigil ang sinasakyan niyang kaibigang kalabaw. "Kaibigan?" Hinimas niya ito ngunit inilayo lang nito ang kaniyang ulo. Walang nagawa ang dalaga kung hindi bumaba mula rito at tingnan kung ano ang problema. Nang makababa ay kinausap niya ito muli. "Gutom ka na ba, kaibigan?" Ngunit muli ay inilayo nito ang kaniyang ulo.

Kinabahan ang dalaga nang makitang medyo malayo-layo na sila sa samahan, hindi na rin niya naaninag ang mga ilaw ng gaserang bitibit ng ilan sa tropa. "Kaibigan, kailangan mo nang tumayo riyan. Baka mahuli pa tayo ng mga rumorondang guardia civil." pilit niya itong hinila upang mapaabante ngunit walang gumanaang paraan, nanatili pa rin ang kalabaw sa kaniyang kinaroroonan.

Unti-unting nandidilim ang paligid, nawawala na ang mga ilaw ng mga gasera ng mga kasamahan nito at tanging ilaw na lamang mula sa naglalahong buwan ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Kung pipiliin naman niyang sumigaw ay baka madatnan ito ng mga rumorondang guardia civil kung kaya't binalot ng takot ang kaniyang sistema.

Naalerto ito nang may sumilaw sa kaniyang ilaw mula sa likod. Agad niyang inilabas ang sundang kung saan may nakaukit na tibok ng puso sa kahoy na hawakan nito- ipinapahayag na ang anumang bagay na may ukit noon ay pamamay-ari ng dalaga.

"Binibini?" Naibaba nito ang kaniyang sundang nang makilala ang boses na iyon. "Ano ang ginagawa mo rito? Baka mahuli tayo sa hukbo." Bumaba ito ng sakay na kabayo at linapitan ang dalaga. Napansin niya ang kalabaw na hindi naalis sa kinatatayuan nito sa likod ng dalaga.

Hinimas niya ang ulo ng kalabaw na paggalaw ng buntot nito, ipinapahawig na pabor ito sa ginagawang paghimas ng binata na ipinagtaka naman ng dalaga. Kinausap pa ito ng binata at tila sinasagot ito ng kalabaw, bagay na hindi nito ginagawa sa dalaga.

"Marahil ay nagugutom ang ating munting kaibigan, mayroon ka bang dalang pagkain niya?" Napaiwas ng tingin ang dalaga sa pagngiti ng binata sa kaniya. "S-Sa may likod na baul, m-mayroong inihanda si amang pagkain niya,"

Agad naman itong kinuha ang baul sa likod ng karwaheng hila ng kalabaw at ipinakain ang malinis na damong pagkain nito na inihanda pa mismo ni Ca Delirio. "Mukhang wala tayong ibang magagawa kundi hintayin siyang matapos sa kaniyang kinakain. Batid mo ba ang ruta patungo sa kampo?" Isang tango lamang ang tinugon ng dalaga, iniiwas pa rin ang tingin sa binata.

"Sinong nariyan?!" Muling itinaas ni Kalesi ang kaniyang sundang nang makarinig ng boses na umalingawngaw sa sekta ng kagubatan. Nakakasiguro siyang hindi iyon pamamay-ari ng isa sa kaniyang mga kasamahan dahil sa malalim at sa tono nitong Kastila. Hindi ito nagkakamali dahil isang kulay kapeng kabayo ang unti-unting naging malinaw na papalapit sa kinrorooonan nila. Sakay nito ay isang guardia civil na may hawak ring isang gasera.

PrequelaWhere stories live. Discover now