IX

8 1 0
                                    

Tumigil lamang ang mabilis na kalampag ng kabayo nang makarating ito sa tapat ng munisipyo ng bayan ng Inabanga. Sa huling kalampag ng paa ng kabayong nagtutulak ng kalesa, agad na bumaba si Don Luis at dumiretso sa loob ng sekta kung saan nagkukumpulan ang mga sundalo ng Hukbong Sandatahan ng lalawigan. Sumunod sa kaniya si Kalesi na inalalayan ng kutsero pababa ng kalesa. Hindi nito mapilgilang magpigil ng hininga dahil sa pag-aalala.

Nagmadali itong sinudan ang Don Luis na natulala na lamang sa nasaksihan nito sa gitna ng kumpulan ng mga tauhang naka-uniporme. Maging si Marcelino'y napatitig na lamang sa mukha ang isa sa mga nahuling rebelde sa loob ng hacienda Hidalgo. Dalawa na lamang ang kanilang naabutan sa loob dahil ito na lamang ang nahuling nakipagbakbakan sa mga sundalo habang tumatakas ang iba nitong mga kasamahan.

Halos hindi na makahinga si Kalesi nang unti-unting naglakad papalapit sa isa sa mga bihag na kasalukuyang nakaluhod at nakayuko sa harapan si Don Luis. Nanatili namang nakatayo lamang si Marcelino habang hawak ang balikat nitong nadaplisan at kanina pa hindi makapaniwala sa natuklasan nito.

"Milandrino...?"

***

Hindi mapigilang mapahawak ng mahigpit sa kuwintas na suot si Kalesi habang nasa labi ang kanang kamao. Kanina pa ito palakad-lakad at pabalik-balik sa kaniyang silid, iniisip hindi lamang ang kapakanan ni Henrito na kasama ni Kiandro na nahuli sa paglulusob ng hukbo sa hacienda Hidalgo, pati na rin ang pagbabalik ni Kiandro sa hacienda Anastasia.

Maaaring mabuking ang buong hukbo at ang mga plano kung ninais ni Kiandro na pagkatiwalaan ang mga Anastasia at sabihin sa kanila ang lahat ng nalalaman nito. 'Ngayon pa lamang ay kailangan nang maalerto ang buong hukbo na lumisan ang bundok Boasa at magpalit ng plano't ruta. Sa oras na ibuking ni Kiandro lahat ng nalalaman nito sa hukbo, maaari silang lusubin ng mga sundalo sa bundok. Sana lamang ay hindi pa naibabahagi ni Ca Kirong ang lahat kay Kiandro.'

"Binibini?" napatalon sa isang boses na malambot si Kalesi dahil sa abala nito sa pag-iisip. Huminahon ito nang makitang si Esraela lamang ang kumatok sa bukas na pinto ng kaniyang silid. "Esraela, pasok ka," pagpapapasok nito sa dalagita. "Hindi na po, binibini. Narito po ako para ipahatid sa inyong nasa baba ang pamilya Diaz." hatid nito sa binibini na ikinatango lamang nito.

"Ah, sige. Susunod na lang ako." ngiti nito sa dalagita. Yumuko na si Esraela at unti-unting umatras palabas ng silid. Isang sentimetro na lamang ang kulang upang tuluyang magsara ang pinto ng silid ay napatigil ito nang marinig ang muling pagtawag sa kaniya ni Kalesi. "Ano po iyon, binibini?" Pinagmasdan nitong magdalawang-isip ang dalaga sa kung anong dapat nitong sasabihin at kung paano maglaro ng sariling daliri nito, pinapahayag ang kaniyang nerbyos.

"Ah, nasa baba ba ang lahat?"

"Opo, binibini. Ipinapahatid po nila ang kanilang pasasalamat sa pagbabalik ni senorito Milandrino." Milandrino. Para kay Kalesi'y bagong pangalan. Batid niyang iyon ang tunay na katauhan ang kinikilala niyang bagong dayo't kasanggi na nakilala nito sa pangalang Kiandro ngunit iba na iyon sa sitwasyon ngayon.

Ilang sandali pa bago nitong mapagdesisyunang lumabas ng kaniyang silid at tuluyang humakbang pababa ng kahoy na hagdan ng mansyon. "Kalesi, hija!" Sinalubong ito ng mga pares ng mata nanagmula pa sa salas sa baba kung kaya't pilit nitong iniiwasan ang tingin ni Kiandro, at pansin ito ng binata. Sa halip ay sinalubong nito ang tingin ni Marcelino, hindi inaalintana ang matalim na tinging ibinibigay sa kaniya ng binibining Diaz na si Catalina.

"Kalesi," inalalayan ni Marcelino ang dalaga sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nito habang pababa. Sinubukan pa nitong tumayo mula sa pagkakatipon sa salas kasabay ni Marcelino upang salubungin ang dalaga na pababa ng hagdan ngunit bumalik na lamang sa pagkakaupo nang maunahan ito ng kaniyang kuya. Sinundan niya ito ng tingin ang dalawa habang magkahawak-kamay na kumalas lamang nang makarating sa harap nila.

PrequelaWhere stories live. Discover now