XV

22 0 6
                                    

"Bilisan niyo! Doon sa likod! Ilagay niyo sa likod! Hoy, ikaw?! Ano'ng ginagawa mo? Kumilos ka d'yan!"

"Indio! Bilis! Parating na ang heneral!"

"Heneral!" 

Sumaludo ang mga sundalong sakop ng kinikilalang binatang heneral nang masilayan ito, ang iba'y ipinilit pang paluhurin ang mga Indiong trabahador at nagbulag-bulagan lamang ang heneral na tuloy-tuloy lang ang lakad patungo sa binibini nito. 

"Handa ka na?" lumawak ang sakop ng labi nito nang harapin ang binibining nakatanaw lamang sa mga kapwa Pilipino nitong kargador na pinahihirapan ng mga guardia civil.

Nagkakagulo ang lahat dahil sa araw na ito ang paglisan ng heneral ng Hukbong Sandatahan pa-Maynila kasama ng nag-iisa nitong kasangga.

Isinukli naman ni Kalesi ang parehas na ngiting ibinigay sa kaniya ng kasintahan nito. 

Inabot nito ang kamay ng binibini saka marahan na dinampi ang labi sa likod ng palad nito saka ngumiti na siya namang sinuklian ng dalagang nahihiya pa.

"Nararamdaman kong kinakabahan ka sa likod ng ngiti mo. Huwag kang mag-alala. Wala kang maiiwan dito. Hindi pa rin titigil ang mga tauhan ko sa paghahanap sa iyong ama at isusunod natin siya sa Maynila." pagsisiguro nito sa binibini na ikinangiti na lamang nito. 

Saglit na nanatili ang ngitian ng dalawa bago bumigay ang binibini saka napahigikhik na lamang. "'Wag mo 'kong tingnan ng ganiyan. Nakakahiya." hiyang ngiti na lamang nito habang nagtatago sa likod ng pamaypay na hawak. Samantalang hindi naman nawala ang malambing na ngiti't tingin ng binatang heneral sa kasintahan.

"Salamat ulit," banggit nito na ikinalingon muli sa kaniya ng dalaga. "Sa pagpayag na sumama sa akin pa-Maynila. Sisiguraduhin kong hindi tayo magugulo pa ng ninuman hangga't nasa pangangalaga kita." Huling paniniguro nito, tinutukoy ang nangyari noong isang gabi, matapos sumang-ayon ang Binibining Kalesi na sumama pa-Maynila.

"Kalesi," pilit na humahabol sa hakbang ni Kalesi ang bunsong Anastasia. 

"Kalesi, sandali!" pinilit nitong paharapin sa kaniya ang dalaga nang maabutan ito. Hindi nagbago ang ekspresyon ng dalaga, animo'y hindi niya pinagsisisihan ang ginawa nitong bulgarang desisyon.

"Batid mo ba ang sinasabi mo kanina?" hindi makapaniwalang tanong ng binata sa binibini.

Sa halip na sumagot ay nagpumiglas ito ngunit tumigil rin nang mapagtantong hindi siya bibitawan ng binata. "Oo." nanatili ang kaniyang determinadong tingin. "Narinig ko ang sarili ko kung kaya't malinaw sa akin ang pinasok ko."

"Pinasok mo?" kunot-noo nito. "MO? Ano'ng nangyari sa samahan? Kapag sumama ka sa kaniya, maaaring hindi ka na makabalik pa muli dito, alam mo ba iyon? Sino'ng nakakaalam ng maaring mangyari habang nasa Maynila ka? Walang anumang koneksyon sa amin, akin." naging mahina't malambot ang tono ng pananalita nito, maging ang tingin niya sa binibini.

"Pwede ba? Kaya ko ang sarili ko. Saka ligtas ako hangga't nasa ilalim ako ng pangangalaga ni Marcelino." siguradong bulalas nito sa harap ng binata. 

"Mas ligtas ka sa pangangalaga namin!" mabilis na hirit ni Kiandro na ikinakunot lamang ng noo ni Kalesi. 

"Bakit ba hindi mo na lang ako hayaan? Pagkatiwalaan niyo 'ko." 

"Tingin mo ba, hindi kita pinagkakatiwalaan? 'Yung asungot na iyon ang hindi ko pinagkakatiwalaan! Mahal ka niya, Kalesi. Tunay. At alam mo ba kung ano'ng nagagawa ng taong nagmamahal? Lalo na ang kapatid ko, nakita mo na ba siyang lumaban para sa bagay na gusto niya? Gagawin niya ang lahat, Kalesi. Paano kung nabigo't na mabuking ka sa kalagitnaan ng pananatili sa poder niya?" bahagyang lumakas ang boses ng binata ngunit nag-iingat pa ring hindi maririnig ng mga tao sa baba. 

PrequelaWhere stories live. Discover now