X

15 1 2
                                    

"Sigurado ka bang ayos ka lamang na maiwan ngayon? Nais mo bang magpaiwan na lang din ako nang masamahan kita?" sehustiyon ni Marcelino kay Kalesi habang inaayos ni Esraela ang kaniyang buhok. Ngumiti lamang sa kaniya ang dalaga at liningon.

"Ayos lamang ako. Dumalo ka na sa mga Diaz, hindi ko na nais pang magkalat ng sakit doon. Saka sinat lamang ang mayroon ako, Marcelino. Hindi pa naman ako mamamatay." ngiti nitong ikinasinghap lamang ng binata.

"Kalesi, ang totoo. Ano bang tunay na nangyari sa inyo ni Binibining Catalina?" tanong nito na ikinasimangot lamang ni Kalesi. Umayos na lamang ito ng upo at humarap sa salaming kita ang repleksyon ng kaniyang sariling inaayusan ni Esraela sa likod at ang binatang suot ang isang puting barong tagalog. "Hindi ko naman sinasadya pero napuno na talaga ako sa kaplastikan ng babaeng iyon. Hindi ko naman pipiliing manatili dito sa tabi mo kung lalaitin niya lang ako dahil sa pinagmulan ko. Kung alam ko lang na mamaliitin din ako rito, sana'y mananatili na lang ako sa nayon namin." anito ng hindi tumitingin ng diretso sa binata. "Pero naiintindihan ko naman na mali ang ginawa ko kung kaya't hindi ko na muna nais na magpakita sa kanila." dugtong pa nito na ikinangiti na lang ni Marcelino.

"Kung iyan ang ikaliligaya at ikakakontento ng konsensiya mo, papayagan kitang maiwan rito gaya ng dati. Ngunit kailangan mong mangako," lumapit ito sa dalaga at dumekwatro. "Susunod ka sa mga tagapgsilbi. Hindi ka aalis sa sektang sakop ng haciendang ito, at kailangang nasa tabi mo palagi si Esraela." napataas ang dalawang kilay ng dalaga. "Palagi? Paano kung mayroon siyang ginagawa? Hindi ko naman nais na makagambala pa sa kaniya." pagdadahilan pa ni Kalesi dahil batid niyang kailangan na niyang bumisita sa kampo 'pagkat alam niya ang iniisip ni Ca Kirong sa mga panahong ito.

Kung hindi pa siya maghatid ng impormasyon, iisipin ni Ca Kirong na nahuli na siya at magsisiklab ng labanan at paglusob.

"Kinausap ko na si Manang Lilia na huwag munang utusan gaano si Esraela ngayong araw dahil magiging akompanya mo siya habang wala ako. Wala na akong tiwala sa mga bantay at lagi ka nilang nawawala, isang personal na tagabantay ay ayos nang pagkatiwalaan. Ano? Nangangako ka ba?" Sandali lamang ang naging titigan nilang dalawa bago napilitang tumango si Kalesi sa sinasaad na pangako. Dahil doo'y tumayo na sa pagkakadewkatro si Marcelino at binigyan ng halik sa noo si Kalesi bilang paggalang.

Hindi na iyon bago kay Kalesi dahil madalas iyong gawin sa kaniya ni Marcelino sa mga oras na aalis siya panandalian para sa mga layunin nito bilang heneral ngunit hindi niya ba alam kung bakit sa pagkakataong iyo'y napitlag ito sa ginawa ng binata.

"Babalik kami ngayong araw din mismo. Hintayin mo ang pagbalik ko?" tumango na lamang ng nakangiti si Kalesi habang pinagmamasdang maglakad palabas ng silid si Marcelino. Kahit na nakalabas na ito'y hindi pa rin maawat ang ngiti sa labi ng dalaga.

"May nararamdaman na ho ba kayo para sa señorito Marcelino, binibini?" isang malumanay na tinig ang narinig nito mula sa dalagita. Noong una'y ngiting-ngiti pa ito ngunit nang tumatak sa isipan nito ang ginamit na pandiwa ng dalagita ay napalingo ito. "May nararamdaman na ho ba kayo para sa señorito Marcelino, binibini?"

"Alam mo?" Ang salitang na ang nagpapahiwatig na batid niya ang totoong intensyon nilang dalawa, na pagpapanggap lang ang lahat. Ngunit sa halip na sumagot kaagad ay ngumiti ito sa binibini. "Ang alin ho? Ang pagpapanggap niyo o kayo ng señorito Milandrino?" mapanuksong anito na ikinabigat ng hininga ni Kalesi. 

Sa halos isang buwan niyang panahon dito sa loob, si Esraela ang naituturing niyang kasama at kasabwat. Hindi niya lubos na maiisip na kailangan niya itong patahimikin kung sakaling hindi ito sasapi.

"Ipagpaumanhin niyo ho ang kawalan ko ng galang sa pananalita. Batid kong lumalagpas ako sa linya ngunit hindi ko na po kayang kimkimin pa sa aking sarili ang mga iyon," patuloy pa rin ang pagngiti nito sa dalaga ngunit hindi pa rin nawawala ang duda ni Kalesi rito. "Huwag ho sanang magbago ang trato niyo sa akin 'pagkat para inyo po, binibini, wala akong kinalaman." Sandaling tumitig si Kalesi sa mukha ng dalagita bago unti-unti na ring nahawa sa matamis nitong ngiti. "Ginagawa ko po ito hindi dahil may hinanakit ako sa kung sinuman o dahil malaki ang atraso ng pamilya ko sa mga Anastasia at ako mismo ang kailangan magbayad no'n. Ginusto ko po kayong samahan dahil sa likod ng pagpapanggap na iyon, tinuring niyo 'kong pantay sa inyo kahit na kilala kayong kasintahan ng amo namin. Kung kaya't nawa'y pagkatiwalaan niyo ako." paninigurado nito sa binibini. 

PrequelaWhere stories live. Discover now