VI

15 2 0
                                    

Sa sinag ng araw na tumama sa mukha ng dalaga, unti-unting naging malinaw ang kaniyang kinaroroonan. Nang bumangon ito upang ilibot ang paningin sa silid, napagtanto nitong nasa silid ito na kaniyang tinutuluyan sa hacienda Anastasia. Bumalik sa kaniya ang mga sumunod na mga tagpong nangyari kagabi matapos makita ng binata ang hubad na balikat nito.

Sandaling namuo ang katahimikan sa namataang malinis na balikat ng dalaga, walang kahit anong paso o bahid ng paghihirap. Tanging ang mahinang paghikbi lamang ng dalaga ang naririnig sa pagitan ng apat maliban na lamang sa ingay na naililikha ng mga guardia civil sa likod na kasalukuyang inaasikaso ang mga utos na inibibigay ng Don Hidalgo.

Lumambot ang ekspresyon ng dalawang guardia civil na hawak ang magkabilang braso ni Kalesi na kasalukuyan pa ring humihikbi habang nakaluhod sa lupa. Ang hikbing iyon lamang ang narinig ng binatang paulit-ulit sa kaniyang tainga- bagay na naghatid sa kaniya ng matinding galit.

Tumayo ito mula sa pagkakaluhod sa isang tuhod saka hinarap ng matalim na tingin ang dalawang guardia civil na kasalukuyang binabalot ng kaba at takot ang mga ekspresyon. Batid nila kung gaano karahas at kalupit ang heneral at ang katotohanang namali nila ang kinikilalang kasintahan nito ay sapat na upang matakot ang mga ito sa kahihinatnan ng kanilang pinakamamahal na buhay, kasama na ang sa mga pamilya nila.

Tumawag pa ang binatang heneral ng dalawa pang guardia civil na agad namang tumugon at lumapit. "Enciérrelos. No habrá movimiento hasta que dé una orden. No podrán hacer nada hasta que yo lo diga. (Lock them up. There will be no movement until I give an order. They won't be able to do anything until I say so.)" Sumaludo ang mga ito sa kanilang kinikilalang heneral bago dukutin at sapilitang hilain ang dalawang guardia civil paloob ng bilangguan. "Por favor, general! ¡Perdonanos! ¡No queríamos nada! (Please, general! Spare us! We didn't mean anything!)" pagmamakaawa pa ng mga ito.

Ngunit hindi ito binigyan ng pangalawang tingin ng binata at muling lumuhod sa harap ng dalaga. Kinuha na niya ang kahihiyan na hawakan ang mukha ng dalaga at punasan ang mga luha nito. Ipinatong nito ang ulo ng dalaga sa malapad nitong dibdib saka hinagkan ng marahan. Sa kilos na ginawa ng binata lalo lamang lumakas ang paghikbi ng dalaga, kasabay ng paglubog ng mukha nito sa dibdib ng binata.

Hindi ito nagsalita maging si Marcelino. Hinayaan niya lamang umiyak ang dalaga sa uniporme utang sa ama at simbolo ng kaniyang kapangyarihan.

Napatalon ang dalaga nang makarinig itop ng tatlong magkakasunod na katok sa pinto. "Sino iyan?" tanong nito habang isinusuot ang alfombra na sapin pampaa. "Si Esraela ho ito, binibini Maaari po ba akong pumasok?" nakahinga naman ng maluwag ang dalaga sa narinig at binuksan ang pinto para sa dalagitang tagapagsilbi.

"Maayos po ba ang inyong naging tulog, binibini? Naihanda na ho ang inyong gagamitin para sa inyong pagligo sa palikuran ng inyong silid. Ihahanda ko na lang ho ang inyong sayang susuotin ngayong araw." nagbigay-galang pa ito sa dalaga bago tuluyang pumasok sa silid at dumiretso sa aparador ng kinaroroonan ng kaniyang mga sayang bagong bili ng señorito.

Dumiretso na rin ito sa palikuran at bumungad sa kaniya ang mga gamit panligo na inihanda ni Esraela. Matapos nitong maligo ay sinalubong ito ni Esraela na hawak ang pinakasimpleng sayang kulay puti na mayroon siya, at inalalayan ito mag-ayos.

Sa kalagitnaan ng pag-aayos ng buhok nito, tatlo ulit na magkakasunod na katok ang narinig mula sa labas. "Ako na ho," inilapag ni Esraela ang gamit na suklay sa pag-aayos sa buhok ni Kalesi at binuksan ang pinto. Hindi na ito tinugon ng dalaga at pinagmsadan ang repleksyon nito sa salamin sa harap niya.

Napahawak ito sa kanang balikat niyang nakita ng tatlong kalalakihan sa isang gabi- nakakahiya, nakakadiri. Isang bahid ng kahihiyan sa pagkatao ng ninumang binibini.

PrequelaWhere stories live. Discover now