The Prequel Hangarin ni Kalesi Mambituin ang palayain ang nabihag na Inang Bayan. Ngunit upang maisagawa iyon, kailangan niyang harapin ang hamon ng elementong hindi niya kailan mang inakalang makakasalumuha niya- pag-ibig. Kailangan niyang harapin ang hamon ng pag-iibigang hindi nararapat kung saan bawat hakbang na isagawa'y may katumbas na kapalit. Tunghayan ang pag-ibigan ng isang binibining rebelde sa kasagsagan ng gyerang siya mismo ang lumikha.