VII

18 1 0
                                    

Bahagyang napangiwi ang dalaga dahil sa ingay na nilikha ng mga tuyong dahon na kaniyang natapakan nang tumalon ito pababa ng mataas na pader sa likod ng hacienda. Linibot niya ang tingin sa paligid, humahagilap ng taong posibleng makakita sa kaniyang pumapasok pa lamang ng hacienda sa dise-oras ng gabi sa pamamagitan pa sa pader sa likod.

Nakahinga ito ng malalim nang walang maaninag na tao—at kung mayroon ma'y madali lamang itong asintahin at itago ang mga labi. Tanging ang nag-iisang gaserang nakasabit sa pinto sa likod tungo sa kusina ang nagsisilbing liwanag sa paligid ng mansyon. Gamit ang liwanag ng buwan ay maingat itong naglakad sa maputik at malambot na lupa sa paligid ng lawa upang makarating sa pintuang iyon.

Nang makarating ay hinubad niya ang bakyang suot at pinihit ang pinto papasok. Dahan-dahan itong humakbang sa gilid ng kahoy na hagdan upang hindi makagawa ng kahit anumang ingay na makakagambala sa mga natutulog na tauhan sa loob ng mansyon. Kumanan ito sa ikalawang palapag, linalagpasan ang opisina at kwarto ng heneral bago makarating sa silid na kaniyang tinutuluyan.

Dahan-dahan niya itong binuksan at isinara. Dali-dali siyang naghubad ng saya at nagpalit ng pantulog. Aakyat na sana ito ng kama ngunit laking gulat nito nang biglang bumukas ang pinto animo'y sinipa ito pabukas.

"Hindi ba? Sabi sa inyo, hindi ako nagkakamali! Hulihin ang babaeng iyan!" isang maawtoridad at matinis na boses ang siyang umalingawngaw sa silid kasabay ng paghawak sa kaniya ng dalawang guardia personal sa braso. Aangal pa sana ito ngunit isa pang boses ang namuno sa silid. Isang malalim na boses ng heneral Marcelino na kakalabas lamang sa silid nito.

"Anong kaganapan ito, Manang Lilia?" Hindi naman nito pinansin ang pagbibigay galang ng mayordoma at dire-diretsong pumasok sa silid. Nanlaki ang mata nito nang makita ang kasintahang hawak sa magkabilang braso ng dalawang guardia personal ng hacienda.

"Bitawan niyo ang binibini, ngayon din!" Agad namang nasindak ang dalawang guardia personal at mabilis na binitawan ang binibini. Linapitan niya ito at hinakawan sa mga siko. "Ayos ka lang ba?" Tulala lang na tumango ang dalaga sa kaniya. Humarap ito sa mayordoma. "Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan sa mga sundalo ng hacienda?!" sigaw nito sa mayordomang nagulat sa pag-asta ng binata. Kahit pa mali ang ginawang panggambala ng mayordoma ay hindi hamak na mas nakakatanda ito sa kaniya kung kaya't ang pangunahing asal na kailangang panatiliin ay ang paggalang nito.

"Anong kaganapan ito, Manang Lilia, at kailangang iraos sa gitna ng gabi?!" Isa pang malalim na boses ang kanilang narinig mula sa labas. Ang boses ng naalimpungatan na Don. Agad namang nagbigay-galang ang mayordoma sa amo nito.

"Ipagpaumanhin niyo ho ang kaingayan, Don Luis. Ngunit... ang babaeng iyan, ang babaeng pinatuloy niyo sa pamamahay na ito ay may lihim na intensyon!" Binalot ng kaba ang dalaga nang madako ang tingin ng dalawang ginoo sa kaniya.

"Wala kang sapat na ebidensya, Manang Lilia." Bagama't nagulat dahil sa pagsalba ni Marcelino sa kaniya, hindi ito umimik dahil sa kaba. Nag-iisip ito ng paraan upang makalusot sa sitwasyon.

"M-Meron!" Pinulot niya ang sayang kakahubad pa lamang ng dalaga na ngayo'y nasa sahig na. "Ang sayang ito ang suot ng binibini sa araw na ito. Kakahubad pa lamang niya nito, mapapatunayan ko iyon dahil nakita ko ang pigura niya sa madilim na kusina na maingat na umaakyat patungo sa silid na ito! Una pa lang ay batid ko nang may lihim kang intesnsyon kung kaya't minamasid ko ang bawat kilos mo, ngayon lamang ako nagkaroon ng sapat ebidensya!" Muling nabaling ang atensyon ng lahat sa dalagang hagkan ng binata. Iniwas nito ang tingin sa mga pares ng mata na nakatutok sa kaniya. "Tingnan niyo! Umiiwas siya dahil alam niyang tama ako!" dinuro pa nito ang dalaga ngunit binawian ito ni Marcelino.

"Nag-iiwas siya dahil iniipit niyo siya!" giit naman ni Marcelino, hindi pa rin tinatanggal ang kamay sa magkabilang balikat ng dalaga.

"Kalesi, anong katwiran mo?" Pumitik ang ulo ni Marcelino sa ama nito. "Ama!"  suway nito sa ama ngunit hindi nagbago ang seryosong ekspresyon nito. "Kailangan nating pakinggan ang magkabilang panig, Marcelino. Kailangan nating mawari kung sino ang siyang nagsasabi ng totoo at ang nagsisinungaling." saka muling bumaling ang tingin kay Kalesi na nag-iwas lamang ng tingin.

PrequelaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora