Chapter 49:Craving satisfied

29 2 0
                                    


Parang lahat nalang may koneksyon sa situation ko ngayon.

Kagabi nanuod ako ng movie at naghiwalay yung babae at lalake dahil nanloko ang lalake.

Ngayon naman,nagbabasa ako ng libro at naghiwalay din sila dahil nalaman ng babae na ginawa lang pala siyang panakip butas ng lalake.

Kaya hindi ko maiwasang maiyak.Kahit nga hindi nakakaiyak na part eh maiiyak parin ako,naaalala ko kasi lahat nang nangyari sakin.

Bumabalik lahat ng masasayang---ahhh putek!napayuko nalang ako nang may biglang may tumulong luha.

Kailan pa ba to matatapos?pagod na akong umiyak.

Binuksan ko yung libro para basahin ulit.Kada page talaga nito may patak ng luha ko.

Hindi ako lumabas hanggang hindi ko natapos basahin.

Sana ganto din kami,kahit gaano karami ang pagsubok na dumating,pareho parin silang nanaig at pinaglaban ang pagmamahalan.

Sana nga lang,hanggang sana nalang talaga tayo.

Wala nang pag-asa eh,kahit ano pang gawin namin hindi na mabubuo ulit kasi ako na mismo ang bumitaw.

Alangan naman hindi pa ako bibitaw,down na down na ako.

Dito naman talaga laging humahantong yung buhay ko,sa pagmomove-on.

Dito ako magaling eh,apakabobo!

Laging bumubungad sakin ang masayang mukha ni lola.

Laki yung pasasalamat niya kasi kumakain at lumalabas na ako.

Hindi pwedeng problema lagi yung iisipin ko,mamamatay ako sa sakit.

Nililibang ko nalang minsan ang sarili ko at kadalasan akong lumalabas at maghahanap ng matataong lugar.

Ayaw kong ako lang mag-isa,natatakot at nalulungkot ako.Naaalala ko rin yung problema ko.

Kumain ka na apo,may niluto akong ham.Pasensya na ah,nagutom na kami ng kuya mo kaya nauna na kami at hindi ka na hinintay.nahihiya niyang sabi.

Okay lang po la,walang problema.kung minsan sinasamahan din ako ni lola sa pagpapasyal.Nahalata kong ayaw niyang lumayo sakin,takot ata siya sa pwede kong gawin.

Psh!hindi ako magpapakamatay noh!ang sarap kayang mabuhay kahit maraming problema.

Lilipas lang din naman ang mga ito pero kung magpapakamatay ka,hindi na mababalik ang buhay mo.

At syempre,liligawan pa ako ni Taehyung noh,hindi pwedeng hindi niya marinig yung "yes" ko.

Morning madam!

Morning din tulo laway.mabuti nalang at naalala ko pa yung dati ko ring tinatawag sakanya para kahit papano,makabawi rin ako noh.

Ang agang tumawag ni ipis,tinatanong yung kalagayan mo.sabay upo.

Yung babaeng yun talaga.nakangiti akong umiling.

Walang araw na hindi ako tinatawagan nun.

Hindi na nga ako nag-aalarm,yung tawag na niya yung ginagawa kong alarm.

Ang aga kasi ng pagtawag niya tapos lagi akong tatanungin kung kumain na ba daw ako,kung naligo na at lagi niyang pinapaalala na wag masydong damdamin ang problema.

I'm just so blessed for having her as my friend.Ako na siguro at pinakaswerte kasi naging kaibigan ko siya.

Minsan pa nga hindi na niya nasasagot ang tawag ni kuya kasi nag-uusap kami,tss.

His Eyes(Completed)Where stories live. Discover now