Chapter 28:Smile

43 3 0
                                    


Sarap i-untog nitong ulo ko,ang daming iniisip hindi tuloy ako makapag-concentrate sa laro.

Hoy bakla andyan ka pa ba?ba't hindi ka gumagalaw?hoy!nakahawak lang ako sa ulo ko at hindi siya pinapansin.Tinapon ko yung phone ko sa mesa.ano na naman ba ang problema mo?tanong niya.

As usual siya parin.walang gana kong sambit.

Wala naman siyang ginawa sayo ah,ba't ganyan ka maka-react?nakangisi niyang tanong.

Bwesit kasi yung ngiti niya eh,di mawala sa isip ko,tangina!di ko na napigilang sumigaw,ang sakit na ng ulo ko pero tong nasa tabi ko tawa parin nang tawa.ano ba Cap!inis kong sabi.

Bakla,the reason is so simple.

Ano?

Love.tangina hindi talaga nakakatulong eh.lagi siyang nasa isip mo kahit walang naman siyang ginawa sayo,hindi mawala sa isip mo yung mga ngiti niya and you know what,sa mga ngiti din ni Thally ako nahulog.kainis!hindi naman totoo eh,imposible.

Pwede bang wag kang magsabi ng ganyan?wala namang katotohanan sa mga sinabi mo.reklamo ko.

Kung ayaw mong maniwala edi wag,basta sinabi ko na sayo kung ano yung rason.It's so obvious bakla and I know na nahahalata mo na ring may gusto ka sakanya but still,you deny it.sa totoo lang,tama yung sinabi niya pero ayaw ko,ayaw ko talaga ewan ko pero ayaw ko talaga.

Ano nang gagawin ko?

Confess your feelings,baka may chance na maging kayo.sabi niya at tinataas-taas pa yung isa niyang kilay.

Ayaw ko Cap,nakakabakla yung ganon.nandidiri kong sabi.

Gago!normal lang naman talagang umamin na may feelings ka sa isang tao,kung ayaw mong edi ligawan mo nalang para diretso na.advance din tong mag-isip eh.

Napakamot ako ng ulo.Putek na ngiti ang meron siya.Ipis tantanan mo na nga ako,bakit pa kasi kita nakilala.Totoo ba talaga?totoo bang may gusto ako sayo??


Habang naglalakad ako pabalik sa room,nakita kong parang may hinahanap ang isang guro habang nakasilip sa malapit sa pinto.

Binagalan ko yung paglakad ko para hindi nito marinig ang aking sapatos.

Nakayuko lang ako.Please,wag ngayon tinatamad talaga ako.

Salamat at dumating ka iho.punyeta!

Inangat ko yung ulo ko.hehe,hello po!plastic kong sabi.

Eh ano pa ba ang susunod niyang gawin?edi iabot sakin ang walis,aish!

Paki sali narin dun iho,mukhang maraming alikabok dun,salamat!pasalamat siya at hindi namin siya subject teacher,hihingian ko talaga siya ng points para dito sa pagwawalis ko.

Walang tigil yung pagkamot ko sa aking ulo habang nagwawalis.

Pinagsisihan ko kung bakit dito pa ako dumaan,ang dami namang pwede daanan at sa impyerno pa ako dumaan,psh!

Habang nagwawalis ako dito sa labas ng office ni sir Ken,parang may narinig akong boses ng babae.

Sir ah,lumalandi ka na.Sino kayang kasama niya?naku,patay siya sa principal at kay Cap.

Hindi ko napigilang buksan ang pinto.Nagiging bastos ka na pala kung umaatake ang pagiging chismoso mo,nakalimutan ko tuloy kumatok.

Sorry---tumaas yung kilay kong nang makita ang babaeng nakaupo sa sofa.

His Eyes(Completed)Where stories live. Discover now