Chapter 47:Panakip butas

33 4 0
                                    


Chubs,kakain---aalis ka?gulat kong tanong nang makitang nag-iimpake siya.

Tipid itong tumango.Kitang-kita ko sa mga mata niya na para bang nawawalan siya ng gana.

Teka,saan ka pupunta?parang hindi siya okay.

Sa US,dun na ako titira.

ANO?!wait,chubs---b-bakit?bigla nalang akong nautal,hindi ako makapagsalita ng maayos.

Kailangan para sa trabaho.

So hindi mo na ako babalikan dito?naiiyak kong tanong.

Oo.hindi siya makatingin sakin.Ba't ganyan siya?ba't parang okay lang sakanya na sabihing aalis siya at iiwan na ako?

Ganon lang ba kadaling sabihin na hindi mo na ako babalikan?nasasaktan kong sabi.

Ito rin yung gusto ko---

Na iwan ako?!ha?!

Ngayon,nagawa na niyang tumingin sa mga mata ko.ayaw ko na Thea,pagod na ako.

Thea?ahhh.....Thea.ang lakas ng tawa ko,parang wala na ata tong hangganan.

Sa lakas ng tawa ko,hindi ko na namalayan na dahan-dahan na palang tumutulo yung luha ko habang nawawala na yung tawa ko at pinalitan ng iyak.

Pagod na ako Thea,dati pa.mahina itong natawa.nawalan na ako ng gana.

Ikaw!ikaw lang Paulo!pero ako?anong gagawin ko?paano na ako?hindi pwedeng iiwan mo nalang ako ng ganito.

Pasensya na,buo na ang desisyon ko.

PUTANGINA!alam mo ba kung ano ang ginagawa mo ngayon Paulo?

Alam ko at masaya ako.hindi na ako nakapagsalita at bahagya nalang tumango.

Parang wala na akong magagawa,ganito talaga ang gusto niya.

Pero sana,sana pinakinggan muna niya yung opinyon ko.

Gusto kong malaman niya na mahal na mahal ko siya at hinding-hindi ko kayang wala siya.

Hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi niya.Para lang sa trabaho?ipagpapalit niya ako sa trabaho?

Alam kong hindi si Paulo to,hindi ito yung Paulo na nakilala at minahal ko.

Alam ko at patuloy parin akong aasa na babalikan niya ako,alam kong mahal niya rin ako.

Nakauwi na si lola kaya pwede na akong umuwi sa bahay.

Wala ako sa aking sarili habang nagtitinda sa palengke.

Ang daming reklamo ng mga customer kasi kulang daw yung sukli,may iba namang may mabubuting loob kaya sinasauli nila yung sobrang sinukli ko.

Hindi eh,hindi ko na talaga alam kung ano ang susunod kong gagawin.

Ngayon nga,habang naglalakad ako sa kalsada,parang feeling ko wala ako sa kalsada.

Nawalan ako ng gana,ang hina na ng katawan ko.

Halos hindi na nga ako makatingin sa mga kotseng dumadaan habang tumatawid.

*PEEEEEEEEEEEEP*

Ngayon lang ako nakalingon nang marinig ang lakas ng pag-busina ng kotse.

Pinikit ko nalang ang aking mga mata at tinanggap ang sakit.

Sakit na nasa puso ko ngayon at sakit na mawawalan na ako.

His Eyes(Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن