Chapter 22:Realization

46 5 0
                                    

Alam mo bang gustong-gusto kita...na sapakin,sipain at patayin dahil naiinis na talaga ako sayo,litong-lito na ako ngayon kaya pwede ba layuan mo na ako,please.sabi niya at binangga pa yung balikat ko.

Urghh!wala akong pake kung maraming tao dito sa canteen basta gusto ko lang isigaw itong inis na nararamdaman ko,inis sa sarili.









THEA'S POV:

O,tapos na kayong mag-away?tanong ko habang nakatingin sa librong binabasa.

Ilang saglit lang,wala parin akong narinig na sagot mula sakanya kaya humarap na ako sakanya.huy!problema mo?umiling lang siya habang nakayuko.

May sinabi bang masama si kuya?umiling ulit siya.eh ano nga?tingnan mo nga ako.

Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya.antok lang to.matamlay niyang sabi.

Alam kong hindi,ang sigla mo pa nga kanina eh tapos ngayon sasabihin mong antok ka lang?ano may sakit ka ba?sabay hawak sa leeg niya pero wala naman itong lagnat.Baka nasa loob ang lagnat niya,idadala ko nalang to sa clinic para sure,ang tamlay niya kasi.

Wala.tipid niyang sagot.

Halika na nga idadala na kita sa clinic.

Wala nga akong sakit,antok lang talaga to.

Bahala ka dyan,wala akong pake kung may mangyaring masama sayo basta sinabihan na kitang pupunta tayo ng clinic,ikaw yung ayaw.ganyan talaga si Sisi,ayaw niyang sabihin sa ibang tao yung problema niya.

Family problem.tipid niyang sabi at tumango nalang ako at hindi na nagsalita.I know na dapat may privacy pagdating sa family kaya ayaw ko ng makialam.

Ang bait naman ni Mr.Santiago.sabi ng isa naming classmate.

Oo nga eh,gwapo na mabait pa yiee.kilig na sabi nung kasama niya.ang dami naman nitong school supplies,ang yaman talaga nila.sabi niya habang tinitingnan ang laman nung hawak-hawak niyang eco bag.

Alam mo,mukhang bumabait na si Mr.Santiago at first time niya ding namigay noh,yiee dagdag pogi points siya sakin.kilig niyang sabi pero tinarayan lang siya nung kasama niya.

Hoy,wag mong agawin yung asawa ko akin lang siya,akin lang si Mr.Santiago.mataray niyang sabi.

Binasag ni Sisi ang pag-uusap nila.excuse me,sorry sa istorbo pero ano ba ang laman ng eco bag na dala-dala niyo?tanong niya dun sa dalawang babaeng nag-uusap.

Ah ito,mga school supplies.sagot nung isang babae.

Kanino galing?tanong niya ulit.

Kay Mr.Santiago.Bakit gusto mo bang humingi?mukhang marami pa ang nandon.

Ah ganon ba,sige salamat.tinanguan lang siya nung dalawang babae at umalis na.

She looked at me seriously.ano Sisi punta tayo?aba,aba,aba,kanina ang tamlay niya tas ngayon bigla nalang sumigla.

Umiling ako.ayaw ko,bahala ka dyan nakakahiya.

Sisi marami namang humihingi hindi lang naman tayo atsaka sayang din naman,mukhang marami pa namang school supplies.dismayado niyang sabi.

Ipapaalala ko lang sayo Sisi ha,may-ari kayo ng Mall.tas hihingi lang siya,tss.

Eh kasi para naman talaga yun sayo,alam kong kailangan mo talaga yun sayang din naman.malungkot niyang sabi.

His Eyes(Completed)Where stories live. Discover now