Chapter 50:Leave

47 3 0
                                    


Kanina ko pa napapansing may sumusunod sakin,binabalewala ko lang.

Pero habang tumatagal,mas lumalapit kasi yung tunog ng sapatos niya sakin.

Ang nakakatakot pa,dahan-dahan niyang inaapak sa semento ang sapatos niya at may kasabay pa itong diin.

Kinakalma ko lang yung sarili ko at mas binibilisan ang paglalakad.

Hindi ako makapag-isip ng mabuti.Lakad lang ako nang lakad,hindi ko nga alam kung saan na tong lugar na to basta patuloy lang akong sa paglalakad.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta,sa kanan ba o kaliwa.

Humihinga lang ako ng malalim.Pinikit ko ang aking mata at kinalma ang sarili para makapag-isip ako ng plano.

Naglakad ako pakaliwa.Kung sakaling malapit na talaga siya sakin,plano kong tawagan na si Pa---si Sisi pala,bobo!

Pati ngayon,si Paulo parin yung nasa isip ko,putek!

Si Sisi yung tatawagan ko o si kuya.Kung hindi nila sasagutin ang tawag ko,hihingi nalang ako ng saklolo,yun nalang siguro.


Kanina pa ako naglalakad pero wala na akong narinig na may sumusunod sakin.

Tumingin muna ako sa aking paa bago lumingon sa aking likuran.

Shit!nakakakaba pala yung ginawa ko.Mabuti nalang at walang tao sa likod ko.

Na-imagine ko tuloy kung merong tao,siguro nasuntok ko na yun sa gulat.

Tumakbo ako palayo baka masundan niya ako ulit.

May nakita akong trash barrel kaya tumakbo ako papunta dito.

Umupo ako sa likod dito para magtago.I hope hindi siya nakasunod.

Sumilip ako kaunti,walang tao.Nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ng hangin sa aking balikat.

Parang hininga kasi ng tao,sh*t sana naman normal lang na hangin.

Pagkalingon ko.....WAHHH!nasipa ko siya sa gulat at natumba ito.

Napahawak ako sa aking dibdib.Hindi ako makahinga ng maayos.

Aww!dahan-dahan siyang bumangon.

Kinagat ko yung labi ko sa inis nang makita siya.

Kinuha ko yung suot kong sapatos at tinapon sakanya.bwesit ka!alam mo bang muntikan na akong mamatay sa kaba?!ha?!siya lang pala yung sumusunod sakin.

Hindi ko naman alam.napakamot-ulo nalang siya.

Hindi alam?!nahihibang ka na ba?!buong akala ko yung sumusunod sakin ay yung laging umaaligid saamin.

Sorry.ang sarap talaga patayin,urgh!

Padabog kong kinuha yung sapatos na tinapon ko malapit sakanya.

Can we talk?

Again?!di ko makapaniwalang sabi.

For the last time.malungkot niyang sabi.Hindi ko siya sinagot at nauna nang maglakad.

Alam kong nakasunod lang siya sa likod ko.Umupo ako sa bench at ganon din siya.

Mabuti naman at lumayo siya sakin,alam niya sigurong ayaw kong magkalapit kami.

Wala paring patutunguhan tong usapan na to.mas mabuti kung sasabihin ko na sakanya sa ngayon pa lang.

Walang patutunguhan kung hindi mo ako hayaang magsalita.

His Eyes(Completed)Where stories live. Discover now