Chapter 27:Miracle

44 3 0
                                    


Hindi talaga ako nakapag-focus sa klase kanina,laging bumabagabag sa isip ko si Pola,nag-aalala talaga ako sakanya.

Kamusta na kaya siya?I hope okay lang yung chemotherapy niya ngayon,sana malaki yung maitutulong
nung gamot na iinumin niya.Sana walang masamang mangyari.

Okay ka lang?tanong niya na nakatayo sa harap ko.

Sa tingin mo?

Uhmm,hindi.walang gana akong tumango.hindi siya mawala sa isip mo noh?parang masaya pa yung tono nung boses niya.

Okay lang kaya siya?walang gana kong tanong.

Puntahan mo nalang kaya.Kahit andito ka sa skwelahan,yung isip mo naman nasa malayo.Sigurado akong ikaw din yung iniisip nun.ano bang pinagsasabi neto?

Anong ibig mong sabihin?

Si Mr.Santiago,diba siya ang iniisip mo?

Nanlaki yung mga mata ko sa gulat.nahihibang ka na ba?!di ko makapaniwalang sabi.hindi noh!

Hindi?eh sino pala?

Si Pola,yung kapatid niya.Yung isip mo talaga Bubbles walang pinagkaiba sa mga barkada ng amo mo.reklamo ko.

Akala ko kasi may gusto ka sakanya.

Ano ba?!gulat ko na namang sabi.mabubuhay nalang yung patay,hindi ko parin siya magugustuhan.yeah,that's my line.

Ganon ba,kasi parang may gusto kasi si Mr.Santiago sayo eh,lagi ka niyang iniisip.mahina akong natawa sa sinabi niya.

Alam mo Bubbles,wala akong oras dyan sa mga kalokohan mo.uminit tuloy ang ulo ko dahil sa bulang to.

Hindi ako nagsisinungaling.Bahala ka kung ayaw mong maniwala.may ugali din pala itong tinatago.

Ouch!reklamo ni Sisi nang mauntog siya sa malaking braso ni Bubbles.ano ba?ba't kasi nakaharang,alam mong napakalaki mong tao.sabi niya at sinamaan pa ito ng tingin.

Hindi ako nakaharang,hindi ka lang talaga tumitingin sa daan kasi dyan sa cellphone ka nakatingin.

Biglang dumating si singkit.may problema ka ba sa kapatid ko?matapang niyang tanong sabay akbay kay Sisi.saan ba yung amo mo?

Bakit hinahanap mo pa yung amo ko, eh andito naman ako.gulo na naman ba to?

A-ah...k-kase...nangangamusta lang.nauutal niyang sabi at umiiwas ng tingin.

May patanggol-tanggol ka pa sakin hindi mo naman pala kayang panindigan.mahinang sabi ni Sisi at sinamaan lang siya ng tingin ni singkit,tss.

Pwede bang umalis na kayo?at wag na kayong mag-away,nakakaistorbo kayo sakin eh.

Opo mama.napailing nalang ako.Sa tuwing pinagsasabihan ko talaga sila,tatawagin talaga nila akong mama,kainis!












ELLA'S POV:

Sisi tapos ka na ba sa report mo?tanong ko habang nagsusulat.Sisi.tawag ko ulit pero hindi niya parin ako sinagot.Padabog kong nilagay yung ballpen ko at isinara yung notebook ko.

Hayaan mo muna,malalim iniisip niyan eh.pagpigil ng asawa ko.

Lumapit ako sa tainga niya.hoy!

Ay Paulo!nagulat ako sa sinabi niya at agad na tumawa.Sisi walang nakakatawa,habit mo talagang gulatin ako.masungit niyang sabi.

Parang may iba akong narinig ah.Akala ko si Pola yung iniisip mo,hindi pala.sabi ko sabay ngisi.

His Eyes(Completed)Where stories live. Discover now