Chapter 41:Bohol

45 3 0
                                    

Ito na,ito na nga,gagraduate na ako!!!

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala,after how many years na pinahirapan ako ng junior high.

Kung iisipin,ilang years parin akong mag-aaral pero hindi ko na yun pinoproblema,ang mahalaga gagraduate na ako,wohooo!

Tapos ko nang diligan yung mga baby ko at nakapag-jogging narin ako.

Kaharap ko yung sarili ko sa salamin,napatigil ako sa pagsusuklay.

You did it,Thea.nakangiti kong sabi sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim.Naalala ko lang,huli kong kinausap yung sarili ko sa salamin ay umiiyak ako.

That was when I knew that Jack is cheating on me.

Walang araw na walang luha ang aking mga mata.Laging basa ang mga ito.

Lumalabas ako na parang wala lang,tinatago lang lahat ng sakit sa pamamagitan ng tawa at ngiti.

The past few weeks,nung birthday ni Paulo,nagkausap kami ni Jack.

He's keep saying sorry.Halata ko namang naawa siya sakin habang kinukwento ko sa mga tao yung pinagdaanan ko.

Pero matagal ko na siyang napatawad.At first naguluhan nga ako eh,maraming tao ang nagsabi ba't daw ganon lang kadali para sakin magmove-on,halata ko nga na parang wala lang nangyari.

Ilang weeks lang ako umiyak and the after that wala na.Yung iba nga kahit years na ang lumipas hindi parin nakakamove-on.

I thought na baka ganon lang kadali para sakin because I'm keep pretending.Pre-
tending that nothing happened,pretend-
ing that I'm happy and pretending that I have already let go.

But then I realized that I'm wrong.It's not because I'm pretending,It's because I'm falling and start loving.

Nakamove-on ako because of one person.The person that I hated the most and my best enemy.

Hindi ko alam na sa araw-araw naming pag-aaway,nahuhulog na pala ako sakanya.

Sisi's right,may gusto nga talaga ako kay Paulo dati pa.

Gusto ko siya pero mismong ako nalilito sa nararamdaman ko.Nakaramdam na ako na parang may something pero lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko siya gusto,ano namang magugustuhan ko dun eh ang panget ng ugali nun.

Ugali niya yung kinaiinisan ko pero dun ako nahulog ng sobra,sa ugali niya.

When he changed,I knew that I'm start liking him.Ewan ko ba,siguro nahulog ako sa mga asar at sa kakulitan niya,tss.

But the attitude of Paulo that I like the most is the way he comforts me.Kaya kapag kasama ko siya,alam kong ligtas ako lagi.

And the last but not the least,ito yung number one sa list ko.Pinakaunang nagustuhan ko sakanya ay ang mga mata niya,syempre.His weird eyes.

Until now naweweirduhan parin ako sa mga mata niya.Habang tinitingnan ko yun parang may something parin eh.Baka ganon lang talaga ang mga mata niya,nevermind.

Wow!ang ganda at ang gwapo naman ng mga apo ko.sambit ni lola pagkababa namin ni kuya.

Inayos niya yung damit namin.proud na proud ang lola sainyo.sabay namin siyang niyakap ni kuya.

Thank you sa lahat la.sabi ni kuya.

Para sainyo po ito,ikaw po yung dahilan ng pagsusumikap namin.lagi kong sineset sa mind ko na mag-aaral ako ng mabuti para kay lola,na gagraduate ako para kay lola.Para kay lola lahat.

His Eyes(Completed)Where stories live. Discover now