Chapter 32:Smack is not enough

37 3 0
                                    


Tinatamad na naman akong pumasok,ang sarap kasing matulog.

Nung wala pang klase excited na excited na akong pumasok tas ngayon na meron na,wala na expired na.

Apo!halika dito!bilisan mo!sunod-sunod na sigaw ni lola mula sa baba.

Dali-dali akong bumaba,parang excited ata si lola ah,ano kayang meron?

Ano yan la?tanong ko pero parang alam ko na kung ano.

Padala ng mama mo,halika buksan na natin.excited niyang sabi.

Hindi ba siya tumawag?malungkot kong tanong at umiling lang si lola.

Miss ko na si mama,ilang taon na ang lumipas nang tawagan niya kami.Sa tuwing tinatawagan namin siya,yung kaibigan niya lagi yung sumasagot at sinasabing busy daw si mama.

Pero dalawang taon na na hindi nila kami tinatawagan at di rin nila sinasagot yung mga tawag namin.

May pinadala sina mama para sakin la?tanong ni kuya na kakatapos lang mag-ayos.

Parang meron,may panlalake kasi dito.sabi ni lola habang tinitingnan yung loob ng box.

Parehong OFW yung nanay at tatay ni kuya,nagsasama sila sa iisang bansa pati narin si mama.

Bale magkasabay silang tumitira dun.Sinasabay lang ni tita at tito yung ipapadala nila kay kuya sa box na ipapadala ni mama papunta dito sa Pinas para hindi na sila gagastos pa.

Hindi namin alam kung ano ang phone number nina tita at tanging si mama lang yung natatawagan namin dati.

Last year na pinadala nina tita kay kuya ay pera pambili ng kotse.Pinag-ipunan talaga nila yun para mabili yung gusto ni kuya na kotse.

Sa tuwing may pinapadala si mama,agad kong kukunin yung letter na pinapadala niya sakin.Dun lang talaga ako na-eexcite,sa letter niya.

Oversized tshirt,jogger pants,mga school supplies,relo at letter lang yun pinadala ni mama sakin.

Alam niya kasing mahilig akong mag-damit panlalake pero yung relo,ngayon lang siya nagpadala ng ganto.

Umakyat ako sa taas,umupo ako sa aking kama at sinimulan nang basahin yung sulat ni mama.

Dear Thea,

Hi anak!miss na miss ka na ni mama.Pasensya na talaga kung hindi ko nasasagot yung mga tawag mo ah,medyo busy kasi si mama.Strikto din yung mga amo ko at hindi nila ako pinapayagang magkaroon ng komunikasyon sainyo.Hayaan mo anak,babawi din si mama sayo sa susunod.

Nagustuhan mo ba yung pinadala ko?konti lang muna anak medyo maliit yung sweldo ni mama eh,hehe.Babawi lang ako sa susunod.Yung relo nga pala,saakin yan at gusto kong gamitin mo yan.Alam mo ba,noong bata ka pa lagi mo talagang hinahawakan yung relong yan,gustong-gusto mo yan kaya binigay ko nalang sayo.Patawarin mo si mama sa mga pagkukulang ko ah,sana naman hindi ka galit sakin.

Miss ko na kayo lahat,gusto ko nang umuwi pero nagtitiis lang si mama para sayo,gusto kita mabigyan ng magandang kinabukasan.Wag munang mag-jowa anak ah,saka nalang yan pag nakatapos ka na ng pag-aaral at kung meron ka ng magandang trabaho.Ingat kayo lagi mahal na mahal ka ni mama,I love you anak!

Pinikit ko yung mga mata ko at hinayang tumulo ang aking mga luha.I really miss her,I miss her voice everytime we call her.

Ang sakit isipin na nagtitiis yung mama mo para lang mabigyan ka ng magandang kinabukasan.

Kunwari kong niligpit yung higaan ko nang marinig kong may umakyat.

Apo?pasimple kong inalis yung aking luha.umiiyak ka na naman ba?kilala niya talaga ako.

His Eyes(Completed)Where stories live. Discover now