Chapter 5:Fake Daddy

90 7 0
                                    

Sino?nagtataka niyang tanong.

Si.....si Jack?hindi din ako sigurado kung siya talaga eh.

Sisi wag kanang mag-assume na tutulungan ka ng ex mo.sambit niya.Sabagay,tama rin naman siya.

Hindi naman yun yung ibig sabihin ko eh.deny ko pa.

Eh ano ang ibig sabihin mo?may rason din naman ako kung bakit ko yun nasabi,hindi yung nag-aassume lang ako.

Naalala ko kasi dati tinawag niya akong clumsy.Siya lang din naman yung kakilala ko na tatawag sakin nun.paliwanag ko.

Pero bakit?mahal ka pa ba din niya?

Sana nga lang mahal niya pa din ako kasi kung ako ang tatanungin,mahal na mahal ko pa din siya kahit masakit.

Hindi ko kakayanin na mawala siya sa buhay ko.Siya lang ang kaligayahan ko.

Nung araw na nalaman ko na niloko niya ako,hindi ko magawang saktan siya dahil mahal ko siya.

Sadyang napilitan lang talaga akong sampalin siya nang dahil sa selos pero hindi dahil sa galit parin ako sakanya.

Aaminin ko andon parin ang pagmamahal ko sakanya.

Pinagsisihan ko nga na sinampal ko siya eh.

Ganito ba talaga ang mangyayari sayo kung mahal na mahal mo ang isang tao?Na imbes na galit ang iparamdam mo sakanya ay pagmamahal ang mapadama mo sakanya?ewan ko ba.

Lagi ko naman sinasabi sa sarili ko na mali to,pero ayaw sumunod ng puso ko.

Ang hirap kasi,ang hirap niyang burahin sa puso ko.

Mahal na mahal ko yung tao,oo sobra.At dahil sa pesteng pagmamahal na yun,nabulag ako sa pag-ibig at patuloy paring nagpapakatanga.

Ang tanga ko eh,minamahal ko parin ang taong hindi naman kayang pantayan ang pagmamahal ko sakanya.Minamahal ko parin ang taong wala namang pake sakin.

Ewan ko ba kung mahal niya pa ako pero sana nga.Sana mahal niya pa ako dahil kung ako ang tatanungin mahal na mahal ko parin siya kahit mali na.I'm just being true.

Sisi move-on na niloko ka na nga ng gago,nagawa mo pang mahalin?hindi dapat minamahal ang ganyang klaseng tao.mataray niyang sabi.Inis na inis kasi siya kay Jack after kong ikwento sakanya lahat nang nangyari.

Sabagay.tipid kong sabi pero deep inside siya parin eh.Ewan ko ba kung anong gayuma ang pinainom ng hayop na yun sakin.

Sa Library...

Andito nga pala ako sa library para tanungin ang librarian tungkol sa nangyari noong nakaraan na araw,hindi kasi mapalagay ang utak ko kakaisip kung sino ba talaga ang lalakeng yun.

Nagdadalawang-isip nga ako kung itutuloy ko pa ba tong gagawin ko.

Kahit pala nasa mood siya nakakatakot parin ang mukha niya,anong klaseng itsura yan,char lang!

Ah Good morning po,naalala niyo pa po ba ako?magalang kong tanong.Nakakatakot din palang makausap ang mga ganitong klaseng tao noh,dapat isipin mo muna ang mga salitang bibigkasin mo.Dapat sure ka na hindi siya ma-ooffend sa sasabihin mo,tss.

Ahh oo.Ikaw diba yung nahimatay noong nakaraan na araw?hay salamat naman sa Diyos at itsura lang pala nito ang nakakatakot,mabait pala ang ugali nito.

Ahh oo po ako nga.Pwede po bang magtanong?

Ahh oo naman,ano ba yun?

Kilala niyo po ba ang lalakeng tumulong sakin nung araw na yun?as in,ayaw tumahimik ng kaluluwa ko hangga't hindi ko nakikilala ang lalakeng yun.

His Eyes(Completed)Where stories live. Discover now