CHAPTER 2

108 6 3
                                        

"Hoy, bumaba ka riyan!"



Nilapitan ko 'yung sasakyan na muntik ng makasagasa sa'kin.



"Ano, hindi ka bababa?!" Kinalampag ko ang harap ng sasakyan niya.



Masyadong tinted ang bintana ng sasakyan kaya hindi ko makita kung babae ba o lalaki yung driver. Nasa tamang tawiran ako tapos may mga walang pakundangang driver na kagaya nitong gunggong na 'to!



"Hoy, bumaba ka riyan! Harapin mo ako!" sigaw ko at muling kinalampag ng malakas yung sasakyan niya.



Napataas ang kilay ko nang makita kong bumaba ang sakay ng van na muntik ng makasagasa sa'kin. Sino ba naman kaseng matinong nakasakay sa loob ng van ang may suot na helmet ng motor?!



"I'm sorry, Miss." His manly voice is familiar to me.



Parang narinig ko na 'yung boses niya before pero hindi ko matandaan kung sino.



"May masakit ba sa'yo? Are you okay?" tanong niya pero parang naestatwa ako dahil sa boses niya dahil pamilyar talaga sa'kin 'yon pero hindi ko lang maalala kung kanino.



"Kuya sabihin mo nga 'are you lost baby girl?' please," saad ko dahil 'yon lang ang tanging paraan para makilala ko kung sino siya.



"What? Sorry miss, pero nagmamadali na talaga kami," aniya at sumakay na ng van.



Nakatingin lang ako sa papalayong van na muntikan na akong masagasaan kanina. Pamilyar talaga sa'kin yung boses niya. Napailing na lang ako dahil maraming tao ang may ganoong boses at imposibleng si Ken Suson 'yon dahil kahit alam kong may pagkasinto-sinto silang grupo ay siguro naman hindi sila magsusuot ng helmet sa loob ng kotse nila!




Nagpatuloy na lang ako sa paghahanap ng trabaho at napatigil ako ng makita ko ang isang poster sa labas ng isang resto bar. Lumapit ako para alamin kung nagha-hire pa sila.




"Kuya, bakante pa ba 'to?" tanong ko sa guard at itinuro 'yung poster na nakadikit sa may entrance nila.



"Oo, bakit mag-aapply ka ba?"



Tumango ako, "Oo, kuya kailangan ko lang talaga ng trabaho."



Tinuro niya sa'kin 'yung office ng manager ng resto bar na 'to kaya pumasok na ako para mag-apply. Kumatok muna ako bilang paggalang.



"Good afternoon po," bati ko ng makapasok ako sa loob.



"Name?" saad ng isang lalaki na naka-black tuxedo habang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.



"Elora Darlene Matapang."



"Age?"



"Twenty-two."



"College graduate?"



"Yes, BS Nursing."



He stared at me for a moment. "Nursing? Then bakit ka rito nag-apply instead sa hospital?"



"I have a training para maging flight attendant at kailangan ko ng trabaho para masustentuhan 'yung sarili ko kahit dishwasher o janitress lang."



"Tanggap ka na," aniya at ibinalik 'yung atensyon niya sa ginagawa niya kanina.



"Sure ka? 'Di mo man lang babasahin 'yung resume ko?"

MY ONLY EXCEPTION (SB SERIES #1)[Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz