“N-nagugutom ka ba?”
Napabangon ako sa pagkakahiga ko nang mapagtanto ko kung sino ang kaharap ko ngayon.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang sasabog ito sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.
Bakit siya nandito? Malapit na ang comeback nila at alam kong busy sila sa paghahanda para do'n.
“A-akala ko bumalik ka na ng Manila?” Napahawak ako sa bibig ko ng mapagtanto ko 'yung sinabi ko.
Hindi ko dapat 'yon sinabi! Bahay niya 'to kaya may karapatan siyang umalis at bumalik kung kailan niya gusto!
“Bakit?” tanong niya.
Umiling ako. “Wala, 'wag mo na lang pansinin 'yung sinabi ko.”
Nang makaramdam ako ng uhaw ay tumayo ako para kumuha ng tubig sa baba.
“A-ano? Uhmm... saan ka pupunta?” Napalingon ako sa kanya.
“Iinom ng tubig, sama ka?” pagbibiro ko.
Tumango siya. “Mukhang magaling ka na, nang-aasar ka na, e!”
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at parang may kung ano sa loob ng tiyan ko.
Required ba 'yon?
Bakit gano'n 'yung tawa niya, parang musika sa tainga ko?! 'Di nakakasawang pakinggan!
Lumabas na ako ng kwarto at nagpunta sa kusina para uminom ng tubig. Napansin kong nakasunod siya sa'kin kaya binilisan ko ang paglakad ko dahil baka marinig niya ang malakas na pagtibok ng puso ko.
Kumuha ako ng baso at inilabas ang pitcher sa refrigerator. Nakita kong dumiretso siya sa lababo at itinapon ang laman na tubig ng maliit na palangganang dala niya kanina. Ngayon ko lang napansin ang suot niya. He was wearing a white t-shirt and a gray sweat pants.
“Ako na!” Napabalik ako sa katinuan nang marinig ko ang boses niya at nakita kong umaapaw na 'yung baso ko na sinasalinan ko ng tubig kanina.
Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko nang mapagtanto kong nakahawak siya sa kamay ko habang nasa likuran ko. Napabitaw siya sa kamay ko at ibinaba ko na 'yung pitcher. Kumuha siya ng basahan pero pinigilan ko siya.
“A-ako na! Kaya ko naman!” Kinuha ko sa kanya 'yung basahan at pinunasan ang natapon na tubig.
Habang pinipiga ko 'yung basahan sa lababo ay napapikit na lang ako sa kahihiyan. Parang gusto kong iumpog ang sarili ko ngayon sa pader dahil sa katangahang nagawa ko. Naghugas ako ng kamay at ininom 'yung tubig sa baso.
“N-nagugutom ka ba?” Napatingin ako sa kanya.
Inilapag ko ang baso sa lamesa at tumango bilang sagot sa tanong niya. “Edi bumili ka!” saad niya.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa dahilan para mag-init ang ulo ko. Ilayo niyo sa'kin 'to at baka masabunutan ko 'to!
I rolled my eyes pero tinawanan niya lang ako. Kumuha ako ng saging at nanubig ang bagang ko ng makita 'yung strawberry jam sa lamesa. Kumuha ako ng kutsara at naglagay ng kaunti. Sinawsaw ko 'yung saging sa jam at kinain 'yon. Napapikit na lang ako dahil pakiramdam ko ay nasa langit ako. Pagmulat ko ng mata ko ay nakita ko siya na nakatingin sa'kin.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
MY ONLY EXCEPTION (SB SERIES #1)[Completed]
Фанфик[SB SERIES #1] Elora Darlene Matapang, a stouthearted woman who dreamed to be a flight attendant. She will do everything to make her desires come true. On her way back from her journey, she ran across the man of her fantasies, John Paulo Nase, the a...
![MY ONLY EXCEPTION (SB SERIES #1)[Completed]](https://img.wattpad.com/cover/214355969-64-k647159.jpg)