CW: This part of the story may contain matured scene and strong language that are not suitable for very young age. Read at your own risk.
----------------------------------------------
“Please, don't leave me.”
Naestatwa ako at hindi agad nakagalaw kahit pa binitawan na niya ang labi ko. Sa sobrang kaba ko ay tumayo ako para humingi ng tulong kay Purser Anniza.
“Is there a problem?” she asked.
Tumango ako, “There's a drunk guy sleeping inside the lavatory.”
Nagulat siya dahil sa sinabi ko kaya pinuntahan namin si Pablo na natutulog sa lavatory. Sinubukan namin siyang gisingin pero tulog na tulog pa rin ito. Pinagtulungan naming dalawa na buhatin siya pabalik sa seats niya. Nahirapan kami dahil medyo mabigat siya at isa pa, dalawang babae lang kaming umaalalay sa kanya.
“Hala! Ano nangyari diyan Stell?!” sambit ni Justin at napatayo sila ng makita si Pablo na knock out.
“Buhay pa ba yan?” saad ni Ken at tinulungan nila kaming maibalik sa seats ang kaibigan nila kaya hindi kami masyadong nahirapan.
“Thank you po and pasensya na sa abala,” saad ni Stell.
Matapos ang insidenteng 'yon ay bumalik na ako sa post namin hanggang sa mag-landing 'yung eroplano na sinasakyan namin sa Cebu.
“Hoy, ano nangyari sa'yo?” tanong ni Calli sa'kin at sumimsim sa hawak niyang kape.
Nandito kami ngayon sa pantry ng airport sa Cebu at mamaya lang ay pabalik na ulit kami sa Manila.
“What if hinalikan ka ng taong matagal mo ng gusto pero hindi mo ini-expect na gagawin niya 'yon, anong mararamdaman mo?" tanong ko sa kanya.
Nilapag niya 'yung hawak niyang baso sa lamesa, “Ako? Syempre kikiligin kase ginawa niya 'yon ng hindi ko siya pinipilit.”
“Paano kung sikat siya tapos hindi ka niya kilala tapos ginawa niya 'yon?" dagdag ko at sumisimsim sa kape ko.
Hindi ako mapakali simula nung hinalikan ako ni Pablo kanina sa lavatory at hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin 'yung labi niya sa labi ko. Required ba yun?!
Si Pablo dapat ang first kiss ko kung hindi lang ako ninakawan ng halik ng kumag kong ex sa probinsya namin!
Nagka-boyfriend rin naman ako pero naghihiwalay din kami agad dahil hindi ko talaga kayang kalimutan yung nararamdaman ko sa kanya. Nagi-guilty kase ako at isa pa ayoko silang paasahin kaya hindi na ulit ako pumasok sa relationship at kapag nagkakaron naman ako ng crush parang TM EZ70. Isang linggo lang tapos ayun hindi ko na siya crush.
“Wait, ano ba talaga nangyari? Ang weird mo ngayon,” aniya at nag-iwas ako ng tingin.
“Hinalikan niya ako kaso sikat siya at hindi niya ako kilala tapos mukhang nakainom pa.”
“Alam mo okay lang yan, ang mahalaga ay hinalikan ka niya!” aniya habang kinikilig at sumimsim muli sa kape niya.
I unconsciously touched my lower lip with my fingers while the kiss replayed inside my head. Tama nga 'yung sa fast talk nila sa isang talk show, he's a good kisser.
Makalipas ang isang oras ay bumalik na kami sa aircraft para sa flight na Cebu to Manila. Nakapikit lang ako habang dinadama ang paglipad ng eroplano. Medyo may pag-alog ng konti dahil sa mga ulap na dinadaanan nito.
ESTÁS LEYENDO
MY ONLY EXCEPTION (SB SERIES #1)[Completed]
Fanfiction[SB SERIES #1] Elora Darlene Matapang, a stouthearted woman who dreamed to be a flight attendant. She will do everything to make her desires come true. On her way back from her journey, she ran across the man of her fantasies, John Paulo Nase, the a...
![MY ONLY EXCEPTION (SB SERIES #1)[Completed]](https://img.wattpad.com/cover/214355969-64-k647159.jpg)