CHAPTER 8

94 6 0
                                        

“What if doon muna si Darlene sa'tin?”



My eyes widened because of what Mama's said. Seryoso ba siya?



Napabaling kay Pablo ang atensyon ko ng marinig kong nalaglag 'yung kutsara niya at nakita ko siyang nahihirapan dahil sa pagkasamid kaya dali-dali akong nagsalin ng tubig sa baso habang si Mama ay tinatapik siya sa likod. Inabutan ko siya ng tubig at agad niya 'yung ininom.



“Ma, seryoso ka ba? Ni hindi mo pa nga siya nakikilala ng sobra!” saad ni Pablo ng mahimasmasan siya.



Pinaningkitan siya nito ng mata. “Mukha ba akong nagbibiro, John Paulo?” She smiled at me. “To be honest, I like her and I want her to be my daughter-in-law. Nakausap ko na siya kanina, kawawa naman siya kung parati siyang mag-isa rito at isa pa mas maaalagaan namin siya sa bahay” aniya.



“Mama, hindi na po. Ayos na po ako rito at isa pa, ayoko na pong makadagdag pa sa alalahanin niyo,” pagtanggi ko.



“Did you hear that, Ma? Okay na siya rito,” sabad ni Pablo.



“Tumahimik ka! Ako ang nanay mo, kaya ako ang masusunod!” Putol ni Mama sa sasabihin pa ni Pablo at pinanlakihan niya ito ng mata.



Pilit kong pinipigilan 'yung sarili kong 'wag matawa dahil parang maamong kuting si Pablo matapos siyang pagalitan ni Mama.



“Mama, hindi na po kailangan, aalis na rin naman po ako mamaya,” saad ko.



“Edi mabuti!” bulong ng katabi kong model ng Alaska.



“Ano? Bakit?!” nag-aalalang tanong ni Mama.



“Alam ko naman po kaseng ayaw niya sa anak namin kaya hindi ko na po ipagsisiksikan 'yung sarili namin sa kanya,” sagot ko.



He arched his brows. “That's not my child,” he denied.



Napatayo si Mama. “No, hindi pwede! Hindi ako papayag na lumaking hindi buo ang pamilya ng apo ko!”



“Ma, hindi tayo sigurado na sa'kin talaga 'yung bata!” katwiran ni Pablo.



“Walang aalis! No buts, sa bahay titira si Darlene, period!” maotoridad niyang sabi.



Matapos magsalita ni Mama ay hindi na nagtangka pang magsalita 'yung katabi kong model ng Alaska kaya todo irap siya sa'kin ngayon.



Alam kong pikon na sa'kin si Pablo ngayon, tingin pa lang niya parang gusto niya na akong balatan ng buhay.



Edi mapikon ka, ginusto ko ba?!



Inirapan ko rin siya at tinapos 'yung pagkain ko. Nang matapos kami ay tumayo na ako at niligpit 'yung pinagkainan namin. Pinagpatong-patong ko 'yung mga plato at dinala sa lababo.Napatigil ako sa paghuhugas ng lumapit sa'kin si Mama.



“Ako na riyan, anak,” saad niya.



“Hindi na po, Ma,” Ngumiti ako. “Kaya ko na po 'to, magpahinga na lang po kayo,” sabi ko.



Sinimulan ko ng maghugas ng pinggan at nang matapos ako ay naligo na ako. I wore pink flamingo wrap style dress and paired it with a lace up sandals. I put some light make-up on my face too.



Kinuha ko na 'yung maleta ko at lumabas na ng kwarto. Nauna kaming lumabas ni Mama ng unit habang si Pablo ay nakasunod sa likuran namin.



MY ONLY EXCEPTION (SB SERIES #1)[Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora