“Nalintikan na!”
Nandito kami ngayon sa may sala at hawak ni Kristine 'yung result ng medical ko kanina at nalaman kong three weeks na akong buntis. Hindi ko alam ang gagawin ko nang nalaman ko kanina 'yung results ng medical ko kaya umuwi kaagad ako.
“Sinabi mo na kela tita?” tanong niya at inilapag sa lamesa 'yung envelope ng medical ko.
Umiling ako, “Hindi ko kaya, natatakot ako,” saad ko habang pinupunasan 'yung luha ko na nagsisimula na namang bumagsak.
“Sinong ama? Kilala mo?”
Umiwas ako ng tingin, “Ayokong sabihin.”
Napahawak siya sa kanyang sentido, “Elora Darlene Matapang, hindi pwedeng ayaw mo! Ayaw mong malaman ng magulang mo tapos ayaw mo rin sabihin sa'kin kung sino 'yung ama! Ano kaya mo bang palakihin yan ng mag-isa?” Stressed na sabi niya.
Napaisip ako sa sinabi niya. Kakayanin ko ba? Wala pa akong trabaho at hindi ko pa natutupad 'yung mga pangarap ko.
Gusto kong iumpog 'yung sarili ko ngayon dahil sa katangahang ginawa ko. Bakit ba kase ako nagpadala sa tukso?
”H-hindi,” sagot ko habang nakatingin sa sahig.
“Anong plano mo?”
“Hindi ko alam,” Sa pagkakataong 'yon ay hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.
“Pucha, Darlene, hindi pwedeng 'di mo alam!” aniya at nagpunta ng kusina kaya tumayo ako at sinundan siya.
“I'm sorry,” saad ko at hindi pa rin makatingin sa kanya ng diretso.
“Hindi ako palengke para hingian mo ng tawad!" aniya habang nagsasalin ng tubig sa baso.
“Gago ka!” Natatawa kong saad habang umiiyak.
“Mas gaga ka! Iinom ka tapos ganyan!” Inabutan niya ako ng tubig at ininom ko 'yon.
Inilapag ko 'yung baso sa lamesa, “S-si Pablo 'yung tatay,” pag-amin ko dahilan para mabuga niya sa'kin 'yung tubig na iniinom niya.
“Lasing ka ba?” tanong niya at tinawanan ako.
“Parang tanga naman! Seryoso ako!” giit ko.
“Gaga, pa'no ka papatulan no'n, e, ni hindi ka nga kilala no'n?! At isa pa, sikat 'yon kaya imposible!”
“Seryoso nga ako, siya talaga 'yung tatay ne'to!”
“O sige, kung talagang siya nga 'yung tatay ni bagets, anong gagawin mo?” Napaisip ako dahil sa tanong niya.
Napahawak ako sa maliit kong tiyan, “Hindi ko alam pero kaya kong gawin ang lahat para sa baby ko,”
Niyakap niya ako, “Support kita sa lahat ng decisions mo, basta kahit anong mangyari, nandito lang ako, panagutan ka man niya o hindi. Nandito ako, sabay nating papalakihin 'yung baby mo.”
My tears started to fall. “Thank you.”
“Para saan pa 'yung pagkakaibigan natin ng ilang years kung iiwan lang din natin ang isa't isa sa gitna ng problema?” aniya habang pinupunasan 'yung mga luha ko.
Kinagabihan, bago ako matulog ay inayos ko muna 'yung susuotin ko para bukas dahil pupuntahan ko si Pablo sa company nila para makausap siya.

YOU ARE READING
MY ONLY EXCEPTION (SB SERIES #1)[Completed]
Fanfiction[SB SERIES #1] Elora Darlene Matapang, a stouthearted woman who dreamed to be a flight attendant. She will do everything to make her desires come true. On her way back from her journey, she ran across the man of her fantasies, John Paulo Nase, the a...