CHAPTER 1

233 7 5
                                        

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story may contain matured scene and strong language that are not suitable for very young age. Read at your own risk.

----------------------------------------------

“Nanang, si Darlene, sasakay na ng eroplano!”



Napatakip ako sa tainga ko dahil sa lakas ng sigaw ni kuya VJ na kaharap ko lang nang mabasa niya ang sinend sa'king link ni Kristine kaibigan ko, at sinabi na naghahanap ng mga bagong flight attendant ang We Go Up Airline kaya sa sobrang excited ko ay sinabi ko sa kanya.



“Talaga ba, ate?!” tanong ni EJ habang nakasuot pa ng salamin na kalalabas lang ng kwarto kasama ang anim ko pang kapatid.



“Si kuya masyadong excited, mag-aapply pa lang ako,”  giit ko at binawi sa kanya ang cellphone ko.



“Totoo ba 'yun, anak?!” masayang tanong ni Tatang habang dala pa ang itak niya galing sa bukid.



“Tatang, wala pa po, mag-aapply pa lang ako,” paglilinaw ko sa kanilang lahat.



“Ganoon na rin 'yon, Darlene! Ikaw pa ba? Alam naming matatanggap ka agad! Nagmana ka ata sa'kin!” confident na sabi ni kuya VJ.



“Hoy, anong pinagsasabi mong gwapo ka? Hindi mo ba ako kilala?” sabat ni kuya AJ at hinawi ang buhok niya gamit ang kamay niya.



Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi ng mga kapatid ko. “Grabe, ang hangin!” Niyakap ko ang sarili ko at nagkunwaring nilalamig.



“Kailan daw at saan?” usisa ni Tatang.



“Sa Sabado po, Tatang, kaya lang sa Maynila po, e!” nag-aalinlangan kong sagot.



Alam kong hindi papayag sila Tatang na malayo ako sa kanila dahil babae ako at naiintindihan ko naman na ayaw lang nila akong mapahamak dahil sa panahon ngayon ay marami na ang nagkalat na taong may masasamang loob.



“Kung ganoon, MJ, pagka-pananghalian, pumunta ka kay kumpare, sabihin mo aarkelahin na'tin yung tricycle niya sa isang araw,” Utos niya kay kuya.



Nanlaki ang mga mata ko. “Pumapayag po kayo?!”



“Bakit naman ako tututol sa pangarap mo? Di'ba gusto mo yan? Siya, sige tuparin mo!” Naramdaman kong nanubig ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.



Lumapit ako sa kanya at niyakap siya, “Tatang, salamat po!”



Agad na nawala ang saya na nararamdaman ko ngayon nang makita ko si Nanang na nakasilip sa kusina. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.



“Nang?” pagtawag ko sa kanya habang nakayakap pa rin.



“Nalulungkot lang ako dahil malalayo sa'kin ang prinsesa ko,” Aniya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.



MY ONLY EXCEPTION (SB SERIES #1)[Completed]Where stories live. Discover now