CHAPTER 14

83 5 0
                                        

“Binuhat niya kaya ako?”



Wala sa sarili akong napatitig sa salamin habang inaalala kung pa'no ako nakabalik sa kwarto na 'to. All I can remember is we were watching a movie last night, did I fall asleep?



Napailing ako sa ideyang pumasok sa isip ko dahil nakakahiya kung gano'n talaga 'yung nangyari. Tinapos ko na ang pagto-toothbrush ko at lumabas ng banyo para linisin ang kwarto. When I'm done cleaning the room, I showered and then changed into my sky blue pleated style dress. I brushed my hair and applied light make-up on my face and go downstairs.



I went to the kitchen to help Mama in preparing for our breakfast. I saw Denise and Alex laughing inside the kitchen.



“Magandang umaga, mahal na prinsesa!” saad ni Denise habang may nanunuksong ngiti.



“Mali, reyna dapat kase si kuya Pau 'yung hari!” Kinikilig na saad ni Alex kaya napakunot yung noo ko.


“Huh?” saad ko dahil naguguluhan ako sa sinasabi nilang dalawa.



“Gising ka na pala, kumusta ka na? Maayos ba tulog mo?” Nakangiting tanong ni Mama habang nag-aayos ng almusal.



“Syempre oo! I saw them kagabi ni kuya Pau magkatabi silang natulog sa may sala!” saad ni Alex dahilan para mamula 'yung pisngi ko.



Nakatulog ako habang nanonood kagabi kasama si Pablo!



“Ha? Kung nakatulog ako sa may sala pa'no ako nakarating sa kwarto?!" tanong ko kela Denise.



“Binuhat ka niya kanina bago siya umalis,” sagot ni Denise.



Nanlaki 'yung mata ko dahil sa sinabi niya. Ang bigat ko kaya tapos binuhat niya ako!



Tahimik akong kumakain ngayon pero sila Denise at Alex ay patuloy pa rin sa pang-aasar sa'kin dahil pulang-pula na naman 'yung mukha ko.



Pagkatapos naming kumain, kaming tatlo ang nagligpit ng pinagkainan. Ako ang tagahugas at silang dalawa naman ang naglinis sa kusina.



“O, bakit 'yung prinsesa 'yung pinaghuhugas niyo ng pinggan?!” pang-aasar ni Mama at naramdaman kong nag-init na naman 'yung pisngi ko.



“Mama!” Angil ko dahil kanina pa nila ako inaasar!



“Ma, 'wag mo na asarin baka magalit 'yung hari niya!” Dagdag pa ni Alex.



“Sige na nga, baka magalit 'yung hari dahil binibiro natin 'yung reyna niya!” Gatong pa ni Mama at lumabas na ng kusina habang sila Alex naman ay tawa ng tawa.



Weeks passed smoothly, nandito ako ngayon sa may sala kasama sila Mama na nag-aabang sa comeback nila.



Simula no'ng araw na nanood kami ni Pablo ng movie ay hindi na siya nagparamdam sa'kin pagkatapos niya akong pakiligin.



Pablo niyo ghoster!



Pero okay lang, naiintindihan ko naman. I know na sobrang busy nila ngayon dahil sa kaliwa't kanan nilang interview at guestings dito at sa ibang bansa.



At masaya ako ngayon sa mga nararating nila dahil dati ay fillers lang sila sa mga event pero ngayon sila na mismo ang mga inaabangan. At dahil din sa kanila umunlad 'yung ekonomiya at turismo sa bansa natin.



“Nasa'n na raw si Paulo?” tanong ni Mama kay Papa dahil kausap nito si Pablo kani-kanina lang sa cellphone.



“Malapit na raw siya,” saad ni Papa kaya nagmadali na kami sa pag-aayos.



MY ONLY EXCEPTION (SB SERIES #1)[Completed]Where stories live. Discover now