CHAPTER 10

94 5 0
                                        

“Stop smiling nga! It's nakakairita, you know? And stop being bait-baitan because I know you're not. So stop pretending thus it's not fits you!”



Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka ma-stress lang ako at isa pa, nakikitira lang naman ako sa kanila kaya dapat pakisamahan ko siya.



Hindi naman makapal mukha ko 'no?! Mga 0.838 inches lang!



Umakyat na ako sa kwarto para magpahinga. I changed my outfit into a pair of pink satin pajamas and do my night care routine. Humiga na ako sa kama at ibinalot ang katawan ko sa comforter.



Papikit na ako ng pumasok sa isip ko 'yung kaibigan ni San Goku, natutulog na kaya siya?



Pero parang imposible dahil malapit na 'yung comeback nila kaya hindi siya makapagpapahinga ng maayos dahil gusto nilang ibigay ang best nila para sa A'tin kaya todo practice sila. Sana makapagpahinga rin sila.



Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumangon na ako at nagpunta sa banyo para gawin ang morning routine ko.



Napatigil ako sa pagto-toothbrush nang may kumatok kaya lumabas ako ng c.r para silipin kung sino 'yon. Binuksan ko 'yung pinto at bumungad sa'kin si Denise na mukhang kakagising lang din pero malapad ang ngiti sa labi.



“Hi!” she smiled.



Pinapasok ko siya sa kwarto at agad ako nagpunta sa banyo para tapusin 'yung pagto-toothbrush ko at maghilamos. Pinunasan ko ang mukha ko at lumabas na. I saw her sitting on the bed.



“Sorry, kakagising ko lang kase kanina kaya naabutan mo akong gano'n ang itsura,” paumanhin ko.



“It's okay, you look cute nga kanina while wearing that headband,” she chuckled, pointing to my headband. “Uhmm... kaya pala ako nagpunta dito, I just want to ask you if okay lang sa'yo na samahan mo ako sa vlog ko mamaya?”



My eyes widened. “Y-you want me to guest sa vlog mo?”



“Yes” she nodded. “If okay lang naman sa'yo. I want to have a bonding time with you kagaya ng mga magkapatid.”



I feel my heart fluttered because of what she said. “Ano bang gagawin natin?”



“Na-kwento mo sa'kin before na mahilig kang mag-bake, so let's bake cupcakes!” she giggled. “And I was craving too sa cupcake kaya please, payag ka na?!”



I smiled. “Okay, sasamahan kita.”



“Really?!” she screamed and hugged me. “Oh my gosh! Thank you!”



“You're welcome”



“Okay, I'm going to ready lang para sa mga gagamitin natin mamaya for baking!” she hugged me again. “See you mamaya!”



Lumabas na siya ng kwarto kaya sinimulan ko ng maglinis. Inayos ko 'yung kama at pumasok na sa banyo para maligo.



I wore beige off-shoulder and a pink lemonade pant-skirt. I maid my hair into a french braid and put some light make-up on my face. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba para tulungan si Mama sa kusina.



“Good morning po Mama!” I smiled.



“Gising ka na pala,” aniya.



“Hindi pa po, actually kaluluwa ko lang po 'to, tulog pa 'yung katawan ko sa taas,” pagbibiro ko at tumawa siya.



“Palabiro ka talaga!” Natatawa siyang napailing.



MY ONLY EXCEPTION (SB SERIES #1)[Completed]Where stories live. Discover now