CHAPTER 34

2.2K 119 17
                                    

Hi!!! Published na ang Triztan University prologue! Sana suportahan niyo rin, kung bet niyo lang naman pero walang pilitan. Basta enjoy enjoy lang!

Para sa interesado, you can visit my profile to find the story. Triztan University ang title, yung book cover, si Karina bebe hihi! Yun lang!!!

HAPPY NEW YEAR!!!

⬇️⬇️⬇️

Hero's POV

After the mission, diretso kami sa Sone Empire. Ako ang nag drive sa unang van at sa isa naman, si Clifford ang nag drive. And after 30 minutes, nakarating na kami sa Sone Empire para ihatid ang limang tauhang nakuha namin.

Nang makarating sa meeting room, kumpleto ang royalties at para bang may pinag uusapang importante.

Yumuko kaming lahat tanda ng paggalang at tinanguan naman nila kami.

"Congrats on your mission success, babies!!!" nakangiti na pati matang nakangiting bati ni Tita Steph.

"Gosh! Bakit may sugat si Zayne at Zaina?" nag aalalang tanong ni Tita Shan.

Ngumiti naman si Hera while Hazielle remained silent and expressionless.

"Tumama sa amin yung kahoy mula sa pagpapasabog namin nung hideout, Tita. Pero we can manage, malayo naman sa bituka." Bahagya pang tumawa si Hera nang sabihin yon.

Napatango tango na lang si Tita Shan pero kita pa rin ang pag aalala sa mukha niya.

"Ziana, are we going to also tell them the plans about the upcoming war?" tanong ni Tita Alex kay Mom.

Napakunot ang noo ko. War?

Tumango naman si Mom and motioned us to sit down. Sumunod naman kami.

Kapag ganitong may meeting ang Royalties, kadalasan dapat wala kami rito. Pero mukhang sobrang importante na pati kami kailangan malaman kung ano ang mangyayari.

That means, they needed our help with something.

"Alex, go with the plans," ani Mom. Tumango naman si Tita Alex at pumunta sa unahan.

"Now, we finally found who's behind the explosion, threats and attacks that happened. They also want war. War between Sone Empire and..." Tita Alex looked at Hazielle. "Vidales Mafia."

After Tita Alex explained all the plans for the upcoming war, all of them left. Kaming pamilya na lang ngayon ang natira.

Na kay Hazielle ang atensyon naming lahat ngayon dahil sa nalaman. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya ngayong alam kong napalapit na rin siya sa Vidales na lalaking yon at ngayon, nalaman naming misyon pala siya nito.

Hazielle doesn't look surprised. She's in her usual blank expression and none of us knew what's going on with her mind.

Ayan ang delikado sa kaniya. She's hard to read. She's like a book with no title, no description and no contents. Mahirap hulaan ang susunod na gagawin at plano niya, just like Mom...

"The guy you are always with is the guy who has a mission to kill you, Hazielle." It was Dad who talked. "Layuan mo ang lalaking yon."

"No." Simpleng sagot ni Hazielle na ikinakunot ng noo ni Dad kahit kami.

That guy was sent to kill her, pero ayaw niya pa rin layuan?

"Hazielle, listen to Dad. It's for your own good. We don't know what's that Vidales guy is capable of. It's better for you to stay away from him," saad ko.

Trídyma: The Triplets Heir and Heiresses [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon