CHAPTER 10

3.1K 149 12
                                    

Waaah ilang araw walang ud, sornaaa! Ito lang ang kinaya ni brain cells ngayon huhu!
Xandra on MM!

Happy reading! hihihi!

⬇️⬇️⬇️

Hero's POV

Nang mag ring ang bell hudyat na uwian na, wala akong sinayang na oras at ininat ang mga braso at katawan ko. Nagsilabasan na ang karamihan habang ako naman ay naiwan sa classroom.

Nauna na sila Shawn at Zach habang ako naman ay ipinatong muli ang ulo ko sa desk ko. Paniguradong mamaya kasi bugbog sarado na naman ako dahil gumawa na naman ng gulo si Hera.

Habang nakaubob sa desk, may kamay na kumalabit sa akin. Inangat ko ang tingin para tignan kung sino iyon.

My eyes widened seeing Xandra in front of me. Agad akong napa ayos ng upo at tinaasan siya ng kilay.

"Oh, you're awake. I was just checking on you. Baka kasi ma-lockan ka ng pinto. Ikaw na lang yung natitira dito," saad niya.

"I have you," parang ewang sagot ko.

Nanlaki naman ang mata niya, "Huh?"

Na-realize ko ang sinabi ko kaya muntik ko nang suntukin ang sarili ko. What the heck am I even saying? Tsk.

"I mean, you're still here. Hindi lang ako natitira nandito," sagot ko.

Napatango tango naman siya at umiwas ng tingin. Awkward silence filled the whole classroom. I want to talk to her more but I can't find anything to say.

"A-Ah, sige. Una na 'ko," basag niya sa katahimikan.

Wala sa sariling napatango na lamang ako at pinauna siya.

Ayokong may mga babaeng dumidikit at kumakausap sa akin. But I think, Xandra's an exception to that including my two sisters.

Hindi nagtagal ay tumayo na rin ako para lumabas na. Didiretso pa ako sa Sone Empire para sa parusa namin dahil sa ginawa ni Hera ngayong araw.

...

Natigil ako sa paglalakad nang may mamataan akong isang babaeng hinihila ng dalawang lalaking nakakapit sa magkabilang braso niya. A very familiar woman body built...

Xandra!

Sinundan ko ang pinuntahan ng mga kalalakihan. Napadpad ako sa likod ng isang lumang building at doon ko nakita ang limang kalalakihang nakapalibot kay Xandra.

"Boss, ang ganda ng nang bully sa girlfriend mo! Ibang parusa na lang ang gawin natin," sabat nung isa.

Nangunot naman ang noo ko. Then realization hit me. Isa nga rin palang bully itong si Xandra. At sa nangyayari ngayon, gusto siyang parusahan nung lalaking boyfriend yata ng binully niya.

"What? Who bullied who?" tanong ni Xandra.

"You bullied my girlfriend! Pinahiya niyo siya sa gitna ng maraming tao, hindi mo ba naaalala ang pangyayari noong nakaraang araw, Xandra Anderson?" matalim na titig at madiing saad ng aktong leader nila.

Nagkibit balikat naman si Xandra. She doesn't look scared right now in her situation! It's a five versus one and to think that she's just a girl? Dehadong dehado siya pero parang kaibahan non ang ekspresyong ipinapakita ng mukha niya.

"Sa dami ng na-bully namin, hindi ko natatandaan kung sino sila. At bakit? Importanteng tao ba yang girlfriend mo para paglaanan ng oras alalahanin ng dyosang tulad ko? Big NO!" matapang na sagot nito.

Trídyma: The Triplets Heir and Heiresses [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon