CHAPTER 3

4.4K 160 17
                                    

Add niyo ko guys sa fb, sa may gusto na maging prend ang qt na aq hihi! Mabait po ako. Pwede niyo akong kausapin kung may tanong kayo or something! Missingshippy WP ang name ko, hihi! Yon lang, happy reading!

⬇️⬇️⬇️

Hero's POV

Nang matapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba ng hagdan. Naabutan ko sa sala si Hera na tahimik na nakaupo sa sofa. Agad ko siyang dinaluhan doon. Mom said to go straight to Sone Empire yet here we are in the house.

"Where's Hazielle?" tanong ko kay Hera.

Napalingon naman siya sa akin nang magsalita ako.

"Hindi pa bumababa," sagot niya.

Umupo ako sa tabi niya para sabay naming hintayin ang makupad kumilos kahit kailan na si Hazielle. Habang naghihintay, sumulpot si Jasper galing kusina na may dalang snacks.

Natigil naman siya mula sa paglalakad patungong hagdan nang makita kami.

"You're going to Sone Empire?" he asked when he saw us with our training attire.

"Yeah, baby bro, and I am to blame! And I'm proud of it!" proud na sagot ni Hera.

Napailing iling naman si Jasper, "I saw Mom a while ago and I can tell that she's very angry."

"She even fired 10 employees from Sone Group of Companies. I can feel you will be getting a very nice punishment. Sinabayan niyo ang init ng ulo ni Mommy," dagdag niya pa.

Napalunok naman si Hera, "W-We're gonna be fine? Right, Hero? Anak niya naman tayo 'no?"

I shrugged my shoulders as an answer, "Let's just expect that we're not going home until dawn and we'll be like zombies tomorrow going to class," sagot ko.

"Good luck to the three of you! I just wish you will still be able to walk tomorrow!" saad ni Jasper at binigyan kami ng isang nang aasar na ngiti bago tumakbo pataas.

Sakto naman ang baba ni Hazielle kaya tumayo na kami para sabay sabay na umalis.

Ginamit namin ang sasakyan ni Hera at siya ang driver. Naupo naman ako sa passenger seat at nasa backseat naman si Hazielle na hindi umiimik simula nang umalis kami.

...

"Hera! No resting!" malamig pa sa yelo na sigaw ni Mom nang huminto mula sa pagtakbo si Hera.

We are now running in our maximum speed for almost 5 hours. We took a rest for just 30 minutes then continue running. Nanakit na ang mga binti ko sa kakatakbo at naliligo na rin ako sa sariling pawis same with Hera and Hazielle.

Running is one of our punishment when one of us gets into trouble. Kasalanan ng isa, damay kaming tatlo. This also serves as part of our training. Running, 150 push ups, fighting machines that was invented by Tita Gorcelle. Mga machines na talagang ipinasadya ni Mom para pantayan kaming tatlo.

Every training na matatalo namin ang human machines na yon, nag u-upgrade ang mga yon na lalagpas sa kakayahan namin.

"Pero Mommy, pagod na ako!" reklamo ni Hera.

Tinignan naman siya ni Mom ng matalim, "You're the reason why the three of you are here right now, Zaina Hera. Stop complaining."

Napanguso naman si Hera, "Ba't ako lang? Kasama kaya silang dalawa! May kasalanan din sila, Mommy!"

"Stop complaining, Hera. Gusto mo bang dagdagan ko pa ang parusa niyo?"

"Ito nga, tatahimik na nga 'e," saad ni Hera at nagpatuloy sa pagtakbo at sumabay muli samin ni Hazielle.

Trídyma: The Triplets Heir and Heiresses [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon