CHAPTER 8

3.1K 147 7
                                    

Waah! Sorry sa three days walang ud, huhubels! Paunti unti kong sinusulat ito at ngayon ko lang natapos pero humahanap ako ng time para makapagsulat. Na-busy lang talaga ako nitong mga nakaraang araw!

Medyo sabaw ang update na 'to, bawi ako!

Happy reading!

⬇️⬇️⬇️

Hazielle's POV

Pinilit kong huwag mapangiwi habang pinapalitan ang benda sa braso ko. Damn that guy! Ang lalim ng tinamo kong tama ng bubog na galing sa tumalsik na piraso ng salamin ng hideout nila.

Nakasuot na rin ako ng uniform at palabas na sana nang may kumatok mula roon. Hindi ako nagsalita at tinungo ang pinto para buksan.

Bumungad sa akin si Hera na nakauniform na rin at nakaiwas ng tingin sa akin.

"Come on. Sumabay ka na sa'kin papuntang school," saad niya.

Pinakiramdaman ko ang braso ko at sa tingin ko ay hindi ko yata mapepwersa ang isa at parang namamanhid.

Nakaisip ako ng kalokohan at nginisihan si Hera.

"You care for me that much, huh?" nakangisi kong saad.

Inirapan niya naman ako, "Huwag kang assumera. Napipilitan lang ako!"

"Whatever you say, bitch."

"Witch!"

Halos kagatin ko ng madiin ang labi ko nang may kamay na umakbay sa akin at ang bigat pa. Sinipa ko ang paa ng walang hiyang si Hero na umakbay sa amin parehas ni Hera.

"Aray! Why did you do that?!" singhal niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at binatukan naman siya ni Hera.

"Alam mo na may sugat sa braso yan aakbayan mo. Utak mo Hero? Nasa paa?" ani Hera.

"Sorry," hingi ng paumanhin ni Hero. "Malalim ba ang sugat mo?" tanong niya.

"Deep enough to see almost my bone," baliwalang sagot ko.

"Should we take you to the hospital, sissy witch?" tanong pa ni Hera.

Tinignan ko siya ng hindi makapaniwala. Seriously?

"Hera, masamang damo ang kakambal natin. Hindi mamatay yan sa simpleng tama ng bubog," saad ni Hero.

"Sabagay, tama ka nga naman diyan," sagot ni Hera.

Wow, makapag usap sila parang wala ako ha? Tsk.

Nilagpasan ko na lang sila at nauna nang bumaba. Ramdam ko naman ang pagsunod nila sa likod ko habang nagbubulungan pa rin. Ang dadaldal, tch.

...

"Hi Elle!"

"Hey Haze!"

Bati agad nila Alec at Luke nang makita nila akong papasok sa room. Si Hera ayon, sumama na sa mga kaibigan niya habang si Hero naman bigla na lang nawala.

Bahala sila sa mga buhay nila, malaki na sila.

Umupo naman ako sa pagitan ni Alec at Luke. Pagkaupong pagkaupo ko ay tinapik ako ni Alec sa braso kaya muntik ko na siyang sapakin sa ginawa niya.

I almost shout a cuss and punch him straight in the face but I stopped myself from doing so. I just gave him a death glare.

"Haze, your arm is bleeding," ani Luke.

Trídyma: The Triplets Heir and Heiresses [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon