CHAPTER 30

2.4K 114 57
                                    

Masyado nang puro lovelife ang nangyayari, sakit sa eyes! Tara sa bugbugan again!

Btw, lemme see comments below how's the story goingg? Okie lang ba ang flow? Sorry sa late updatesss! I'm helping a friend with her modules kasi!

⬇️⬇️⬇️

Hero's POV

"Let us all call in our red-eyed gangster! Some brave fellow gangster out there who are brave to challenge the REG?"

Nang makapasok ako sa gangster arena, iyan agad ang bumungad sa akin. That red-eyed gangster again.

Hindi ko alam at wala pa rin akong ideya kung lalaki ba siya o babae. Hindi ko rin magawang humanap ng kahit anong impormasyon tungkol sa kaniya.

Nagmasid lang ako rito sa gilid at inaabangan kung may susubok bang kumalaban sa REG na yon pero mukhang walang naglalakas loob. I also noticed how the whole arena became quiet when that REG went to the center.

Nase-sense kong natatakot ang karamihan sa kanila.

"Grabe ang gangster na yan, ano? Halos dikit ang laban nila nung isang miyembro ng Trídyma nung nakaraan. Si Light Trí ba yon?" rinig kong bulong ng katabi kong gangster.

Hindi ko napigilan ang sarili kong makinig sa usapan nila lalo na at binanggit nila ang Trídyma. Light Trí? Si Hera? Nakalaban niya na ang gangster na 'to?

"Oo! Napakagandang laban non lalo na at isa sa Trídyma ang lumaban! Kaya hindi na ako magtataka kung walang sumusubok kumalaban sa REG na yan ngayon. Tie nga sila ni Light Trí, ano kayang laban natin do'n?"

"Tingin mo babae ba yan o lalaki?"

"Tingin ko lalaki eh. Iba yung dating!"

"Ang astig naman siguro niya kung babae! Galing lumaban tas pula yung mata. Contact lens kaya yan? O totoo?"

"Baka peke."

Nawala ang atensyon ko sa dalawang nag uusap nang mamataan kong may isang bulto ng babae ang lumapit sa gitna ng arena.

A very familiar body built of a woman. And has eyes that are red as blood.

Hazielle...

"R-Red Trí?" Kuha pansin ng announcer.

Hazielle remained silent. Napansin ko ring natigilan ang karamihan dahil sa hindi inaasahang pagpapakita ni Red Trí na ngayon lang nagpakita ng totoong kulay ng mata niya sa loob ng gangster arena.

"Red Trí of Trídyma. It's nice to finally meet you," nakangising saad ni REG.

Naka voice changer din pala siya kaya wala talagang ideya ang lahat sa kasarian niya.

Red Trí didn't answer but just gave him a blank stare in return. Bumaling ang tingin niya sa announcer then nodded to let them know that she agreed on fighting REG.

"Let's witness a very thrilling fight for tonight, everyone! Red Trí of Trídyma versus The Red-Eyed Gangster!"

Naghiyawan ang lahat sa narinig. At nagsitahimikan nang marinig ang putok ng baril hudyat na magsisimula na ang laban.

...

Hazielle's POV

Walang gumalaw sa aming dalawa matapos marinig ang putok ng baril. Hindi sa naduduwag ako kaya ayaw kong sumugod pero hinihintay ko siya at inoobserbahan.

Hera aka Light Trí almost lost to this one. Ganon ba siya kalakas para matapatan si Hera?

In terms of physical battle, ako ang nangunguna sa aming tatlo nina Hero at Hera. If this REG lay even just a fist on my face, he's not really that easy to deal with.

Trídyma: The Triplets Heir and Heiresses [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon