CHAPTER 11

3K 131 6
                                    

Zachary sa MM! Ang wafuuu emeged!

Happy reading!

⬇️⬇️⬇️

Hera's POV

Ramdam ko ang sobrang sakit ng katawan ko mula sa training kagabi. Fudge! Nanakit ang mga braso at binti ko at parang hindi ko magawang gumalaw.

Babalik na sana akong muli sa pagtulog nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Good morning, Zaina! Wake and get up! We're going to the mall!" sigaw ng pumasok at base sa boses, yon ay si Stephie.

Kinuha ko ang unan at ibinaon ang ulo ko ro'n.

"Leave me alone," matamlay kong saad.

Hinila naman ng isang bichesa ang unan na itinakip ko sa mukha ko at ang katawan na itinakip ko sa kumot ko.

Ang aga aga nilang mambulabog!

"Hello girl! Hindi ka pwedeng hindi present sa Saturday shopping natin! Kaya tumayo ka na at maligo riyan," ani Christine base sa boses.

Geez!

"Ang aga niyo mambulabog, lubayan niyo ako!" pantataboy ko at dumapa sa higaan.

"Anong maaga? Girl, magtatanghali na!" ani Kia base sa boses na narinig ko.

"And guess what, Luke is going to the mall with your twinnie and my twinnie," ani Xandra.

Napatayo naman ako sa kama sa sinabing yon ni Xandra.

"Come again?" saad ko.

Luke is also going to the mall with witch and Alec?

"Yes! I heard that from Alec kanina. Maaga pa lang, umalis na siya ng house namin at noong tinanong ko, he said he's going to mall with Zayne and Luke," kuwento ni Xandra.

"I'm going to the bathroom. Magsilabas na kayo!" taboy ko at tumayo na.

Nagsitawanan naman sila. "Pangalan lang pala ni Luke ang makakapagpatayo sa kaniya," saad ni Christine.

Napairap naman ako. Geez, nakakainis sila!

...

"So nasaan na sila?" atat na tanong ko nang makarating kami sa mall.

"Aba malay ko! Ang alam ko lang papunta silang mall. I didn't know naman kung saang parte ng mall na to sila pupunta," ani Xandra.

Inirapan ko naman siya. Magbibigay na lang ng info, kulang kulang pa.

"Girls! It's Zayne oh! With Luke and Alec!" napalingon kami agad sa tinuro na yon ni Stephie.

Sinenyasan ko silang sumunod kami pasikreto.

Gosh! I never imagined myself stalking someone and that someone is my sister's friend! Na-creepyhan ako sa sarili kong ginagawa!

Sa dami rami ba naman kasi ng pwede kong maging crush, si Luke pa! Ewan, I just found myself having a crush on him because he's always saving me from going to guidance always.

I am a troublemaker and thanks to him, sometimes, hindi umaabot sa guidance ang gulong ginagawa ko. Part siya ng student council at nagkakataon siya lagi ang nakakahuli sa aking gumawa ng gulo pero ang gagawin niya lang ay ang patigilin ako at palagpasin ang ginawa kong yon. But last time, he sent me to guidance and I don't know why!

That doesn't changed the crush I have for him, though.

"Hey girls!" halos mapatalon ako sa gulat nang may sumulpot mula sa gilid namin.

Trídyma: The Triplets Heir and Heiresses [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon