CHAPTER 26

2.1K 118 15
                                    

Hero's POV

From: Mom

You're allowed to go outside now. Just please, take your bodyguards with you.
Sabihin mo sa mga pasaway mong kapatid na alam ko yung tungkol sa pagtakas nila palagi.

"Guys! Ready na ang foods!" rinig kong sigaw ni Christine mula sa kusina.

Dahil nasa iisang bahay lang naman kaming lahat, naisipan naming magkasundo. Christine's in charge in cooking together with Luke who also knows how to cook.

Me and Xandra are in charge with washing the dishes and cleaning the table. Yung iba naman, they're in charge in maintaining the cleanliness of the house.

"Mom sent me a message," saad ko.

Napatingin silang lahat sa akin dahil do'n.

"Ikaw lang ang sinendan ng message?" kunot noong tanong ni Hera.

I can sense something from Hera. Pero hinayaan ko na lang muna. Mamaya kami magtutuos. Something happened and I can see sadness and pain through her eyes.

May kinalaman siguro sa pag uusap nila ni Luke.

"Alam niya rin daw ang lagi niyong pagtakas ni Hazielle," dagdag ko.

Napatahimik naman siya at hindi nagsalita pagtapos non.

"Anong sabi ni Tita Ziana?" tanong ni Stephie.

"Pwede na raw tayong umalis ng bahay at pumunta kung saan basta magdadala ng bodyguards palagi," sagot ko.

Napapalakpak naman ang iba sa kanila.

"Finally! Nakakasawa na rin na house at school lang tayo always!" Xandra exclaimed.

Napatingin ako sa kaniya na nakatingin din sakin saka ko siya kinindatan kaya namumula siyang napaiwas ng tingin.

Cute.

Mag-1 week na rin since nung last training. Zach and Luke are still not in good terms. Kung magkakasalubong man sila, iiwas ang isa. Pero ramdam pa rin ang tension sa pagitan nilang dalawa.

Friday ngayon at bukas, training na naman ulit. Ewan ko lang kung anong magiging kinalabasan ng training ulit bukas pero sana walang magkagulo.

.

"Class dismissed." Nagsitayuan na kami pagtapos sabihin ng prof iyon.

Nagmamadaling nagsilabasan ang iba at kami kami na lang ang natira ngayon.

"Guys, una na kami sa cafeteria!" paalam ni Shawn kasama si Christine.

Simula noong tumira kaming lahat sa iisang bubong, karamihan sa kanila ay mas naging malapit ulit sa isa't isa.

Tulad na lang ni Shawn at Christine ngayon.

"Una na rin kami. I'm so nagugutom na eh!" ani Kyla kasama si Cliff.

Hanggang sa paunti-unti na silang nagsilabasan at ako na lang ang natira. Dahil wala ako sa mood lumabas, ipinatong ko na lang ang ulo ko sa desk dahil sa boredom.

Papikit na sana ako nang may kumalabit sa braso ko kaya nakakunot noong tinignan ko iyon.

"Ahm, hi Zarvin. I'm just gonna ask if I can borrow your notes?" a girl classmate asked me.

I can't remember what's her name though. Wala naman kasi akong pakialam sa kaganapan dito sa classroom kaya pati pangalan ng iba kong kaklase hindi ko alam.

Walang salita kong inabot sa kaniya yung notebook ko saka ulit ako um-ub-ob sa desk. Pero nawala na yata ang antok ko kaya hindi na ako nakapikit ulit.

Trídyma: The Triplets Heir and Heiresses [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon