Chapter 26

998 64 40
                                    

Maaga akong pumasok sa school namin ngayon. Nagbabaka-sakali lang na makasabay ko ulit sa jeep si Joash. Masarap pa naman ang agahan kanina. May ulam pa ring natira mula sa birthday ni Ate Kailee.

Pagsakay ko sa jeep, medyo malungkot lang kasi wala ro'n si Joash. Okay lang, gano'n talaga. Makikita ko naman siguro siya mamaya sa school kaya mabubuo rin ang araw ko.

Agad akong tumungo sa aming silid pagkarating ko sa loob ng aming paaralan. May ilan na rin akong kaklase na nasa loob pero wala pa sina Tim at Marion. Naupo lang ako at sumubsob sa lamesa ng aking upuan.

"Morx, puyat ka ba? Parang ang sarap ng tulog mo, e," pagyugyog sa 'kin ni Marion.

Hindi ko namalayang nakatulog pala 'ko. Napabalikwas tuloy ako sa aking kinauupuan at 'di magkandaugaga kong hinarap si Marion.

"Nandiyan na ba si Ma'am?" naghuhuramentado kong tanong.

"Ayan kasi, kulang ka siguro sa tulog. Hindi papasok si Ma'am ngayon. May meeting daw siyang pupuntahan kaya happy-happy tayo ngayon," paliwanag niya.

"Mabuti naman. Akala ko ay nadatnan na 'kong tulog ni Ma'am," turan ko habang inaayos ang aking sarili.

"Tutal wala naman tayong gagawin, punta muna tayo sa canteen, you want?" ani Marion. Agad naman niyang isinilid ang kanyang mga gamit sa loob ng kaniyang bag.

Habang pinag-iisipan ko ang suhestiyon niya, para bang natakam ako bigla at gusto kong kumain ng matamis.

"Ano, girl? Go go go go ba tayo?" untag niya sa gitna ng aking pagmumuni.

Hindi na ko sumagot pa at agad akong tumayo sa aking kinauupuan at dali-dali kong hinila si Marion palabas ng aming silid. Hindi ko maipaliwanag pero parang maglalaway ako kapag hindi ako nakakain ng matamis.

Palapit na kami sa silid nina Joash kaya binagalan ko nang kaunti ang aking paglakad. Hindi ko man siya nakasabay kaninang umaga, masulyapan lang siya ngayon, solve na ko.

Hindi ko talaga pinalagpas ang oras kaya walang mintis sa pag-ikot ang mata ko para galugarin ang kinaroroonan ni Joash.

Gayon na lamang ang ngiti ko nang makita ko siya sa dulong bahagi ng second row. Abala siya sa pagsusulat. Halatang nakikinig siya sa itinuturo ng guro nila. Sa likuran niya ay palihim na naghaharutan sina Zerex at Vint.

"Ikaw, ha. Mukhang may tinitiktikan ka sa section nila Zerex. Who's the lucky guy naman ba?" pagsingit ni Marion. Halos magulat ako sa kaniya, nakalimutan ko tuloy na may kasama ako.

"Chika ko sa 'yo mamaya. Isa lang ang natitiyak ko ngayon, may sigla na ko para sa susunod na klase natin," tugon ko.

Akmang magpapatuloy na kami ni Marion sa paglalakad ngunit napagdesisyunan kong sumulyap muli kay crush. Halos mauyot ako sa aking kinatatayuan dahil paglingon ko sa may bintana, nando'n pala si Kairus at nakatingin siya sa akin.

Medyo awkward 'yung dating sa pakiramdam kaya inirapan ko siya bago ko tuluyang hinila palayo si Marion.

---

"May bibilhin ka ba?" bungad ni Marion pagkarating namin sa canteen.

"Oo, gusto kong kumain ng matamis. Ikaw ba?" ani ko.

"Wala naman. Niyaya lang kita rito para tumambay. Ang ingay at ang gulo kasi sa classroom natin," pahayag niya.

"Speaking of matamis, anong dessert naman ang bibilhin mo?" dagdag pa niya.

"Grabe ka naman kung maka-dessert. Kulang sa budget kaya 'yung mumurahin lang. Kendi lang ang bibilhin ko, alam mo na, kailangang magtipid," saad ko.

Bumili lang ako ng limampisong X.O. na kendi, caramel flavor. Piso isa pa naman ang kendi sa school namin kaya ang laki ng tubo ng mga tindera. Binigyan ko si Marion ng dalawa pagkaupo namin.

"So iyon na nga, sino itey na masuwerteng lalaki na sinusulyapan mo kanina?" tanong ni Marion dulot ng kuryosidad.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili sapagkat kanina ko pa gustong sumabog dahil kumpleto na ang araw ko. May tiwala naman ako kay Marion kaya okay lang na sabihin ko sa kaniya kung sino ang crush ko.

"Ey, huwag kang ganiyan... naisip ko na naman tuloy siya," pabebe kong tugon.

"Loka ka talaga, sabihin mo na dali. Gusto kong malaman kung sino ang bumihag sa mailap mong puso," aniya.

"Hindi ko lubos maipaliwanag pero crush na crush ko si Joash," panimula ko.

"OMG, nakakaloka ka girl!" turan ni Marion. Pinanggigilan niya ang kanang braso ko at halos malamog na.

"Masakit, girl. Mas naloka ako sa 'yo," giit ko. Kumuha ako ng isang kendi sa aking bulsa at agad ko 'yong isinubo.

"E paano ba naman kasi, 'di ba nga, ka-barangay ko lang 'yang si Joash. Sana dati mo pa sinabi para natulungan kita," aniya.

"Ang galing mo riyan, girl. Mukhang mas lalo ko siyang makikilala dahil sa tulong mo. Maraming salamat agad ngayon pa lang," masigla kong tugon.

"Sureness, ikaw pa ba?"

"Yieee," kinikilig kong sambit.

"Well, ideal jowa naman talaga 'yang si Joash. Masyadong mabait kaya hindi ko gaanong bet. You know, mas tipo ko 'yung mala-badboy ang datingan," pahayag niya. Bahagya siyang tumingin sa kalangitan na wari mo'y nagpapantasya.

"Alam ko kung sino ang nasa isip mo, si Kairus 'yan," saad ko.

"Truly, libre lang naman ang mangarap. Mangarap tayo hangga't gusto natin, char."

"Single ba si Joash?" Hindi ko alam kung bakit ko naitanong 'to. Pahamak na dila, baka akala pa ni Marion na patay na patay ako rito.

"Mabuti na lang talaga at ako ang pinagtanungan mo. Ayon sa aking source, single ang crush mo. 'Yung mga babaeng nakakasama niya minsan, kaibigan lang ang turing niya sa mga 'yon. 'Yung mga babae naman kasi talaga ang lumalandi sa crush mo. Dedma lang siya sa kalandian ng mga kababaihan sa paligid," salaysay niya.

Nabuhayan ako ng dugo sa ikinuwento ni Marion. Feeling ko, may chance ako kay Joash, char. Ang tanong pasok kaya ako sa standard niya? Kagusto-gusto ba ko sa paningin niya?

"Salamat, girl. Malaking tulong 'yan para maging masigasig pa ko sa bawat araw."

"Ano pa ba ang gusto mong malaman patungkol sa kaniya?" ani Marion.

"Marami pa sana pero sa mga susunod naw araw ko na 'yon ikokonsulta sa 'yo. Salamat ulit," ani ko.

"Walang anuman, girl. Ibig sabihin ba, si Joash ang reason kung bakit mo binasted si Zerex?" tanong niya dulot ng kuryosidad.

"Oo, ayaw kong paasahin 'yung tao. Kung si Joash pa 'yon, baka sinagot ko na siya agad, wala nang ligaw-ligaw," tugon ko na may halong pagbungisngis.

"Winner ka riyan, girl!" sambit ni Marion at nagtawanan kami.

Makalipas ang ilang saglit, napagdesisyunan na naming bumalik sa aming silid. Tumungo muna ako sa may CR para umihi. Hindi na ko nasamahan awn dahil nagmamadali siyang tumakbo sa silid namin dahil nakalimutan niyang wala pa siyang assignment sa susunod naming klase. Kay Tim na lang daw siya kokopya.

Hindi na nagbago, mapanghe pa rin ang amoy ng CR namin. Paano ba naman, mga que babaeng tao mga tamad magsipagbuhos.

Akmang palabas na ko ng CR nang bumungad sa 'kin si Kairus.

No More RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon