Prologue

10.2K 414 74
                                    

Ang sabi ko sa sarili ko, ayaw ko na. Hindi na ako muling iibig pa.

Nakakapagod din kasing umasa at magpakatanga kahit alam mong sa huli, talo ka.

Pero wala, e. Lagi akong sawi pagdating sa pag-ibig. Hindi yata para sa akin ang happy ending.

Kahit ganoon, masaya pa rin naman ako. Nakatagpo ako ng panibagong pamilya at kaibigan na matuturing kong yaman.

Dumating man sa punto na ako'y nasa kapighatian, hindi naman ako nilamon nito para wakasan ang aking buhay.

Marami na akong pinagdaanan kaya walang silid para sa akin ang salitang pagsuko.

Panibagong pakikibaka na naman ang aking susuungin para sa aking ikasasaya.

Sana, heto na.

No More RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon