Chapter 35

410 41 6
                                    

Pagkarating ko sa palengke, nadatnan ko ro'n si Nikki. Himala yata at wala si Aling Dina.

"Nikki!" bati ko sa kaniya pagkalapit ko.

"Uy, Morixette, ikaw pala. Kanina ka pa hinihintay ni Aling Dina," bungad niya sa 'kin.

"Ay, oo. May kukuhanin kasi akong order sa kaniya. Nasaan na pala siya?" mapang-usisa kong tanong.

"Sayang nga at hindi na kayo nagpang-abot. Nauna na siyang umuwi dahil sumakit 'yung ulo. Alam mo naman kapag matanda na, kung ano-ano na ang nararamdaman," salaysay niya.

"Totoo 'yan, kaya dapat talaga healthy living na. Bawas-bawas na sa mga matataba at mamantikang pagkain," ani ko.

"Oo nga, e. O siya, heto 'yung order mo. Isinupot na kanina ni Aling Dina bago siya umuwi." Agad na iniabot sa 'kin ni Nikki 'yung puting plastik.

"Ang lakas ko talaga kay Aling Dina, may pasobra pang isang piraso na longganisa," turan ko habang iniinspeksyon ang laman ng supot.

"Uy, Morixette, ikaw pala 'yan. Kumusta ka na?" bati sa 'kin ni Eder. May bitbit siyang mga karne na mukhang bagong katay lang.

"Hi, Eder. Okay naman ako, 'yon nga lang, busy sa school. Ikaw? Kumusta na kayo ni Sally?" nakangiti kong tanong.

"Okay lang din naman ako. Kami ni Sally, iyon, going strong pa rin. Bonding tayo minsan, sama ka sa 'min ni Sally kapag kumain kami sa tuhog-tuhog," aniya.

"Oo naman," tugon ko.

Matapos 'yon, umalis na si Eder. Mukhang marami pa siyang gagawin. Mas lalo talagang lumakas ang paninda ni Aling Dina lalo pa't naka-full time sa kaniya si Nikki.

"Ang hot talaga ni Eder. Ang sarap hawakan ng mga braso niya. Sayang nga lang at jowa na siya ni Sally," komento ni Nikki.

Naalala ko tuloy bigla ang sarili ko kay Nikki. 'Yung mga panahong patay na patay pa 'ko kay Eder. Buti na lang ang hindi na masyado ngayon. Oo, wala na 'kong gusto sa kaniya pero sa tuwing napapatingin ako sa braso at katawan niya, para bang nauuhaw ako. Buti na lang sa mata ko siya tiningnan, nakaiwas ako sa tukso.

"Sige na, Nikki, mauuna na 'ko. Thank you ulit! Pakisabi rin kay Aling Dina na maraming salamat!" paalam ko.

Tumango lang sa 'kin si Nikki at kumaway bago ako tuluyang naglakad palayo.

---

Bukas na ang outing, nagpaalam din ako kay Ate Roxette na sasama ako kay Agatha bukas. Hindi naman siya nag-alinlangan na payagan ako. Ang problema ko, hindi ko alam kung ano ang susuotin ko bukas.

Excuse me, resort 'yon. Tiyak na naka-one piece or two piece sila Agatha. Hindi ko naman kayang makipagsabayan sa kanila. Ang awkward lang kapag nagkataon.

Ilang saglit pa, dumating si Ate Ginny sa loob ng kuwarto.

"OMG, Ate Ginny! Buti na lang at dumating ka! Kailangan ko ang tulong mo!" saad ko matapos kong bumalikwas sa aking pagkakahiga.

"Sige, Morx, patungkol ba 'yan saan?" aniya.

Dali-dali akong umupo. Tumabi naman sa 'kin si Ate Ginny.

"Alam mo naman na may outing kami bukas, 'di ba? Namomroblema kasi ako kung ano ang susuotin ko," pahayag ko.

Napasapo bigla si Ate Ginny sa kaniyang noo matapos marinig ang pinoproblema ko.

"Maliit na bagay, Morx. Tama ka lang ng nilapitan. Ako na bahala sa 'yo bukas. Huwag ka nang mag-isip masyado, matulog ka na," turan niya.

"Ayan, maaasahan ka talaga, Ate Ginny! Maraming salamat!" masaya kong sambit sabay yakap sa kaniya.

Nag-text sa 'kin kanina si Agatha na hindi na siya makakauwi. Dadaanan na lang daw nila ako bukas.

---

Pagkagising ko, nagkakape na si Ate Ginny. Sarap na sarap siya isinasawsaw ang pandesal sa kape niya.

"Good morning," bati niya sa 'kin.

"Magandang umaga rin, Ate," tugon.

"May inilagay na 'kong susuotin mo riyan sa may sala. Feeling ko kasi mas bagay 'yung ganiyan sa 'yo," aniya. Itinuro naman niya 'yung susuotin ko sa may sala gamit ang kaniyang nguso.

Hindi na 'ko nakapaghintay kaya dali-dali ko 'yong tiningnan. Spaghetti strap na kulay white, shorts na kulay itim na may dalawang dangkal ang haba, at isang black cardigan. Feeling ko tuloy ang sossy ko kapag sinuot ko 'yon.

"Ternuhan mo na lang 'yan ng flat na sandals. Saka kung wala kang sunglasses, pahiramin na rin kita," dugtong pa ni Ate Ginny.

"Ate Ginny, I love it! Thank you to the highest level!" saad ko. Lubos talaga ang pasasalamat ko sa kaniya.

Matapos 'yon, kumain na rin ako. Oo, nakaramdam tuloy ako ng excitement. Huwag ko lang sanang makita ang gunggong na 'yon mamaya para masaya ang araw ko.

Mabilis sumapit ang oras. Nakaalis na si Ate Ginny para pumasok sa kaniyang work. Nakabihis na rin ako. Hinihintay ko na lang sina Agatha para sunduin ako.

Habang tinitingnan ko ang aking sarili sa salamin, feeling ko ang high class ko ngayon, char. 'Yung tipong sossy lang pero hindi kabastos-bastos. Sinuot ko rin 'yung sunglasses na pinahiram ni Ate Ginny, aba, bagay na bagay. Para hindi ako mainitan mamaya, nagdala na rin ako ng puting cap.

Ilang sandali pa, nakarinig na 'ko ng busina sa labas. Mukhang nandiyan na sila. Kinuha ko na rin 'yung in-order ni Agatha sa loob ng ref. Pagkalabas ko, kumaway ako sa kanila. Nakabukas kasi 'yung bintana sa passenger's seat. Pagka-lock ko sa pinto, tumungo na 'ko sa sasakyang nakahinto sa labas.

"Wow, ang gorgeous mo naman sa outfit mo, baby girl," komento ni Ate Kailee pagkasakay ko sa loob.

"Ay, thank you po," nahihiya kong tugon.

"Tiyak na maraming boys ang maglalaway sa 'yo niyan," pang-aalaska ni Agatha.

"Grabe siya, o. Hindi naman siguro. Tiyak na maraming sexy at maganda ro'n," saad ko.

---

Pagkarating namin sa resort, namangha ako kasi ang laki ng lugar. Base sa karatulang nabasa ko kanina sa entrance, mayroon silang limang swimming pool. 'Yung isa, 3ft lang, para sa mga bata. Sumunod naman ay 4-5ft, mayroon ding 6ft, 8ft, at 10ft.

Maaliwalas ang paligid dahil mayroong malalaking puno. Marami ring mga estatwa ng mga cartoons at mga super heroes na puwede mong pag-picturan. Inilibre pa 'ko ni Ate Kailee ng entrance kaya wala na 'kong isipin pa. Pagkatatak sa 'min, tuluyan na kaming nakapasok sa loob.

"Nasaan pala 'yung iba ninyong kasama?" tanong ko kay Agatha habang naglalakad kami.

"Nandoon na sila sa may cottage, tayo na lang ang hinihintay nila," tugon niya.

Tumango-tango na lang ako habang patuloy kami sa paglalakad. Pagkarating namin sa cottage, tinawag ni Ate Kailee 'yung dalawang lalaki para magpatulong na kuhanin 'yung ibang gamit sasakyan.

Mayroon do'n na isang babae na naghihiwa ng mangga, nangasim tuloy ako. Nakikipagchikahan siya sa isang kasama. May dalawang babae naman na nag-aayos ng mga pagkain sa lamesa. Suma-total, siyam kaming lahat.

Mayamaya, nakaamoy ako ng mabango, amoy ng barbeque. Sinundan ko ang amoy no'n. Pagkarating ko sa 'di kalayuan, napatigagal ako.

Syaks! Si Kairus!

No More RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon