Chapter 8

3.7K 195 11
                                    

Pagkauwi ko sa bahay, nadatnan ko si Ate Rox na nagsasaing. Naupo lang ako sa may sofa sa sala pagkababa ko ng aking gamit.

"Nandiyan ka na pala, Momo. Kumusta ang unang araw ng klase sa bago mong eskuwelahan?" bungad ni ate. Nagpunas siya ng kamay bago lumapit patungo sa akin.

"Okay naman, ate. Mayroon naman na akong bagong kaibigan kahit papaano," tugon ko. Nang dahil sa tamlay ng aking pagsasalita, tila ba may namuong katanungan sa isipan ni ate.

Naupo siya sa aking tabi habang nakakunot ang kaniyang noo at nakataas ang kanang kilay. Ilang saglit pa, ipinatong niya ang kaniyang kanang kamay sa aking balikat sabay pakawala ng isang banayad na ngiti.

"Nahinuha ko sa iyong mukha ang kalungkutan, Momo. Bakit? Mayroon bang nangyari na hindi maganda?" aniya.

Hindi ko maitatago kay ate ang nararamdaman ko ngayon. Mukhang kabisado niya nga talaga ako.

"Ate, nagalit ako sa bago kong kaibigan. Hindi ko naiwasan ang silakbo ng aking damdamin kaya nalulungkot din ako sa naiasal ko sa kanila," pahayag ko.

"Ano ba ang naging mitsa para bumulusok ang galit mo?" tanong niya nang may sinseridad.

"Alam ko namang may mali ako dahil hindi ako naging maingat. Nakalkal niya ang nakaraan ko na pilit kong kinakalimutan," ani ko.

Isang mahigpit na yakap ang aking natanggap mula kay ate. Tila ba nakaramdam ako ng pagkalinga at karamay mula sa kaniya.

"Pare-pareho lang tayong kinakalimutan ang masalimuot na nakaraan dahil mahirap at masakit para sa atin ang lahat ng ating pinagdaanan kaya naiintindihan kita. Hindi ka man masyadong maintindihan ng kaibigan mo ngayon ang iyong sitwasiyon, alam kong maaayos din ang lahat."

Dahil sa mga katagang pinakawalan ni ate, para bang hinigop nito ang aking emosyon palabas kaya hindi ko maiwasang hindi maiyak sa kaniyang sinabi. Alam kong mauunawaan din ako nina Tim at Marion balang araw.

"Maraming salamat sa pagpapagaan ng aking loob, ate. Mabuti na lang at nandito ka," turan ko. Nasa posisyon pa rin kami na kung saa'y yakap-yakap namin ang isa't isa.

Kumalas siya sa aming pagkakayakap at pinunasan niya ang aking luha gamit ang kaniyang kamay.

"Para saan pa't naging ate mo ako kung hindi kita kakalingain," aniya. Hinagod niya ang aking buhok na nagpagaan naman sa aking kalooban.

"Sobrang salamat, ate. Bukas, ako na mismo ang lalapit sa mga kaibigan ko dahil nagpaka-walk out queen ako kanina. Sana, okay pa rin kami," sambit ko.

Hindi pa ako lubusang kilala nina Marion kaya may tiyansa na hindi na lang ako nila pansinin kung kanilang nanaisin. Magkagayon man, kailangan ko pa ring humingi ng kapatawaran.

"Okay 'yan para magkaayos kayo."

Matapos 'yon, tumungo ako sa kuwarto para makapagpahinga muna.

---

Kinaumagahan, maaga akong naghanda para maisagawa ang aking plano. Na-miss kong gumawa ng sulat kaya idinaan ko na lang sa pamamagitan no'n ang paghingi ko sa kanila ng kapatawaran.

Pagkarating ko sa aming silid, limang kaklase ko pa lang ang nandooon kaya tumungo agad ako sa aking upuan para gumawa ng liham.

Kumuha ako ng bond paper sa loob ng aking bag saka ito pinutol sa gitna.

Dear Tim,

Salamat sa pagkakaibigan. Kakikilala n'yo pa lang sa akin ni Marion kahapon at naramdaman kong welcome ako sa inyo. Pasensiya na sa naiasal ko kahapon, a? Susubukan kong hindi na iyon maulit. Salamat sa pagiging maintindihin.

No More RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon