Chapter 9

4.1K 207 47
                                    

Nabanggit na sa akin ni Marion ang tungkol sa lalaki kanina, si Vint. Matapos kong marinig ang boses niya, masasabi kong talentado siya.

Napakagaling niyang kumanta siguro. Sayang nga lang at pahapyaw pa lang ang narinig ko. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming babae ang magkakandarapa sa kaniya.

Ang kaso nga lang, member siya ng U4yah. Matitinik sila sa chicks. May babae kaya silang sineryoso? Well, hindi naman siguro sila pare-pareho.

Pagkalayo ko sa lugar na 'yon, napagdesisyunan kong tumungo muna sa CR bago pumasok sa susunod na klase. Pagdating doon, dumiretso ako sa sink para maghugas ng kamay.

"Siguro naman, nabasa na nila ang liham ko," ani ko sa aking isipan.

Hindi ko alam kung paano ko lalapitan si Marion mamaya pero kailangan kong humugot ng lakas ng loob. Kahit anong mangyari, hindi ko dapat palagpasin ang araw na 'to na hindi kami nagkakaayos.

Pumunta na ako sa aming silid para sa susunod na klase. Gaya pa rin kanina, hindi naman ako binati ni Marion. Masaya naman siyang nakikihalubilo sa iba naming kaklase. Nanahimik na lang ako sa aking upuan hanggang sa matapos ang klase.

---

Natapos ang maghapon naming klase pero parang wala naman akong natutunan. Tila ba pumasok lang ako para maupo sa aking silya, nakakatamad na maghapon. Agad namang nagsilabasan ang iba kong kaklase.

Kinuha ko na ang tiyempo na 'to para makausap si Marion. Abala siya sa paglalagay ng pulbos sa kaniyang mukha at kaunti na lang naman ang tao rito sa loob kaya go na.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang aking unang sasabihin kaya kinalabit ko siya sa kaniyang balikat. Kaso, hindi niya ako kinibo. Nakikita naman niya ako dahil nakatayo lang ako sa may bandang gilid niya. Basta, ipinagpatuloy niya lang ang kaniyang ginagawa. Hindi naman ako nagpatinag kaya kinalabit ko siya ulit.

"Magsalita ka kaya, loka," aniya.

Natinag din siya sa wakas. Heto na ang hudyat para magsimula.

"Marion, pasensiya na sa nangyari kahapon..." saad ko. Magkatutop ang aking kamay dulot ng kaba.

Mukhang nakikinig naman siya sa akin kahit abala siya sa paglalagay ng liptint sa kaniyang nguso.

"Alam kong--" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil sumingit siya agad.

"Tama na ang pagpapaliwanag, wala na sa akin 'yon. Gaga ka talaga," sambit niya. Ginawaran niya ako ng isang banayad na ngiti kaya halos magtatalon ang puso ko.

"Thank you, prend," ani ko sabay yakap sa kaniya.

Gumaan ang pakiramdam ko dahil nagkaayos na kami. May walang kibuan epek pa kanina, kaartehan lang siguro naman 'yon. Natatawa tuloy ako.

"May pa-letter ka pa kanina, a. A for the effort. Na-tats tuloy ako," bungad niya pagkatapos naming magyakapan.

"Siyempre naman, ako pa ba?" biro ko.

"Nakakatuwa lang kasi ngayon lang ako nakatanggap ng letter mula sa isang kaibigan. 'Yon nga lang, sorry letter," wika niya sabay tawa nang paimpit.

"Sa susunod, gagawan kita ng letter 'yung makarubdub-damdamin naman," turan ko.

"Ay bet ko 'yan," aniya sabay apir sa akin.

Nagagalak ako dahil nakatagpo akong muli ng totoong kaibigan.

"Mabuti naman at bati na kayo," bungad ni Tim.

"Tampuhang pagong lang naman 'yon, nasnip," tugon ni Marion.

Tumayo na siya sa kaniyang kinauupuan at isinakbit ang bag sa balikat. Hindi talaga siya papayag na umuwi nang hindi fresh.

"Tama siya ro'n Tim kaya mabuti pa, umuwi na tayo," wika ko.

"Asus, ganiyan talaga kayong mga babae," segunda ni Tim. Binatukan siya ni Marion nang dahil do'n.

"Aray, lakas no'n, nasnip," sambit ni Tim habang hinihimas ang ulo.

"Huwag ka na kasing umepal, hihirit ka pa, e," ani Marion.

"Oo na oo na."

Naglakad kami palabas ng silid para umuwi na. Habang naglalakad kami sa daan, may naisip akong bigla.

"Guys, para naman makabawi ako sa inyo, ililibre ko kayo sa may lugawan," saad ko.

"Hindi mo na kailangang mag-abala pa," wika ni Tim.

"Oo nga, Morixette. Pero hindi dapat tanggihan ang grasiya kaya go," pahayg ni Marion.

"E 'di tara na," giit ko.

Hindi naman mahal ang tinda sa pupuntahan namin. Minsan kasi, nag-foodtrip kami roon nina Ate Ginny at Agatha at masasabi kong masarap ang lugaw nila.

Mabilis lang kaming nakarating sa aming pupuntahan. Hindi naman maarte sina Marion at Tim kaya tiyak na magugustuhan nila dito.

"Goto my love, nice name," komento ni Tim nang makarating kami sa may karinderya.

"Pak na pak ang name," ani Marion.

"Mag-e-enjoy kayo rito guys dahil masarap talaga ang pagkain nila," pang-eengganyo ko bago kami tuluyang pumasok.

Pagkapasok namin, pinaupo ko na ang dalawa at ako na ang um-order ng aming kakainin.

"Miss, tatlong LTB (lugaw tokwa't baboy) nga saka tatlong lumpiang toge at puto," sabi ko sa babae.

Hindi naman mabigat sa bulsa dahil 25 pesos lang ang LTB, 10 pesos ang lumpiang toge at 5 pesos lang ang puto. Bago magpasukan, binigyan ako nina Ate Ginny at Agatha ng tig-isang daan kaya may natabi pa akong pera.

Pumunta na ako sa puwesto ng mga kaibigan ko pagkatapos kong um-order.

"Wow, Morixette, ang mura ng mga tinda rito, a," saad ni Tim. Kitang-kita ko sa kaniyang mata ang pagkamangha.

"Hindi lang 'yon, mukhang malinis pa," dagdag ni Marion.

"Thanks to my Ate Ginny and Agatha," ani ko.

Mayamaya, dumating na ang mga in-order ko para sa amin. Walang anu-ano'y kumain kami agad.

"Wala akong ibang masabi kundi masarap," ani Tim pagkatikim sa lugaw.

"Yes, saka gusto ko 'yung lutong ng lumpia at maganda ang pagkakaprito sa baboy," wika ni Marion.

"I-try n'yo 'yung puto, guys," suhestiyon ko.

"Suwabe, hindi dumidikit sa ngalangala," turan ni Tim.

"Take note, ang sarap ng timpla ng suka nila. Bagay na bagay sa tokwa at lumpia," dagdag ni Marion.

Natuwa ako sa mga komento nila. Hindi ako pumalpak sa pagdadala sa kanila rito. In-enjoy lang namin ang pagkain. After no'n, um-order ng dalawang plain lugaw si Tim at lumpiang toge naman si Marion para i-take out.

"Matutuwa ang mga kapatid ko kapag natikman nila 'to," pahayag ni Tim habang naglalakad kami palabas.

"Totoo 'yan, nasnip," segunda ni Marion.

Masaya kaming umuwi na tatlo 'di lang dahil nabusog kami kundi napagtibay pa rin namin ang aming samahan.

No More RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon