Chapter 7

4K 212 19
                                    

Habang binabagtas namin ang daan, nakatingin lang ako sa labas. Si Tim, focus lang sa pagmamaneho habang si Marion naman, busy sa kadudutdot sa kaniyang cellphone.

Ang sarap sa pakiramdam na teenage life mo lang ang iniisip mo. Ang mga gawain sa school, kung saan gagala, kalokohan with friends, ang susuutin para mapansin ka ni kras at si kras mismo. Ilan lamang iyon sa mga kinakaharap ng isang teen na tulad ko.

Minsan, napapaisip ako kung ano kaya ang magiging kalagayan ko kapag nakapagtapos na ako at ako na ang kumakayod para sa aking pamilya. 'Yung tipong kinakaharap ko na ang tunay na realidad ng buhay... kumusta kaya ako?

Ang hirap kasi kapag naghihikahos ka. Napapansin ko sina Ate Roxette at mga kaibigan niya na parang stress madalas sa trabaho. Parang ang hirap ng mga ginagawa nila. Well, wala nga namang madaling trabaho.

"Huy friend," bungad ni Marion sabay hampas sa aking braso. Napakislot akong bigla at napaharap sa kaniya.

"Grabe ka naman kung makatawag sa akin. Baka mamaya niyan, maitulak mo na ako rito sa loob ng tricycle," panimula ko.

"E kasi naman, na-add na kita sa facebook. I-accept mo na agad 'yung friend request ko," aniya habang nakanguso pa.

Napabuntong-hininga ako sa tinuran niya. Napakasimpleng bagay, pinoproblema ng gaga. Akala ko naman kung ano ang sasabihin niya, 'yon lang naman pala.

"Oo mamaya accept ko ang FR mo pagkauwi sa bahay," tugon ko.

"E? Ngayon na dali!" pang-aapura niya.

Gusto kong matawa nang paimpit dahil sa expression niyang nakataas ang kanang kilay at nakakunot na noo. Tapos 'yung mukha niyang lukot na ewan na parang nantutuya, epic.

"Friend, wala akong load saka tinatamad ako," ani ko.

"Keri na 'yan kahit free data lang. Kung tinatamad ka, ibigay mo na lang sa akin ang cellphone mo at ako na ang mag-aaccept ng FR ko," mahinahon niyang sambit.

"Ang kulit mo, friend. Heto na nga..."

Walang pagdadalawang-isip kong iniabot sa kaniya ang cellphone ko. Kahit magbasa pa siya ng messages do'n, wala rin siyang mapapala.

"Naks naman, walang password ang cellphone. Zero love life?" pambubuska ni Marion pagkabukas niya sa cp ko.

"Mabait kasi akong estudyante kaya aral muna," pahayag ko.

"Asus," segunda niya habang nagdududutdot sa cp ko.

Hinayaan ko na muna siyang gawin kung ano ang nais niya at tumanghod na muna ako sa may labas.

"Oh shocks! Friend request accepted, yiee..." pang-aalaska sa may tainga ko.

"Parang isip bata lang?" giit ko habang nakadako pa rin ang tingin sa may labas.

Makalipas ang ilang minuto, hindi na niya ako ginulo. Busy na yata sa kakakalikot sa cellphone ko. Para namang may mapapala siya ro'n.

"Oh my goodness! Sino ang guwapong nilalang na 'to? Infairness, ang sarap niya, a," mahinang sambit ni Marion. Nang maulinigan ko 'yon, nanlaki ang mata ko kaya dali-dali ko siyang hinarap.

"Ano 'yan? Akin na nga ang cellphone ko," wika ko. Akmang kukuhanin ko na 'yon pero ayaw niyang ibigay sa akin.

"Sandali lang, nabubusog pa ang mga mata ko. Sino ba ang yummilicious guy na 'to? Pakilala mo naman sa akin," ani Marion habang nakatitig sa larawang nakapaskil sa screen ng cp ko.

"Ang kulit mo talaga, Marion. Kras ko 'yan, si Eder. Pero malapit ko na siyang tanggalan ng papel sa buhay ko," walang ekspresiyon kong sambit.

"Aray naman, ano ba ang ginawa niya sa 'yo?" tanong niya.

"May kalandian na siyang iba. Hindi na ako aasa na magugustuhan niya 'ko."

Naalala ko na naman ang sakit na ipinunla ni Eder sa aking puso. Pinakilig niya ako nang kaunti pero hanggang do'n lang pala, may araw rin ang lalaking 'yon.

"Tagos sa buto ang mga sinabi mo. Parang ako lang pala ikaw," aniya.

"Excuse me, may pinagkaiba naman tayo. Hindi naman ako humohopia na magugustuhan niya rin ako. Kung hindi talaga kami, e 'di hindi, tapos!" giit ko.

"Ang hard mo naman sa akin. Pero may point ka naman do'n."

Pagkatapos no'n, may ipinakita na naman siyang picture sa akin mula sa aking cp.

"Heto naman, ang sweet n'yo rito no'ng guy. Ex mo?" bungad ni Marion habang nakatutok sa akin ang aking cellphone.

"Halungkat talaga, friend?" pantutuya ko.

Agad kong hinablot sa kaniya ang cellphone ko at dali-dali kong isinilid ito sa loob ng aking bag. Muling namutawi na naman ang sakit ng nakaraan.

"Hala, galit ka ba? Sorry na," pang-aalo niya sa 'kin.

"Marion, hindi mo dapat pinapakialaman ang mga ganiyang bagay. Privacy ko 'yon, e..." malumanay kong sambit.

"Sorry na, okay? Hindi ko naman akalain na magagalit ka ng ganiyan," aniya. Batid sa kaniyang mukha ang kaba at pag-aalala.

"Hindi mo pa kasi ako lubusang kilala. Hindi ako sanay na pinapakialaman ng iba," sarcastic kong tugon.

"Hindi ko naman intensiyon na..." hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil sumingit agad ako.

"That guy? 'Yung kasama ko sa litrato na kung saa'y sweet na sweet kami... boyfriend ko siya. Sa kasamaang palad, nilisan na niya ang mundong 'to," paliwanag ko. Hindi ko maiwasang hindi tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadya.

Pinunasan niya ang luha ko saka niya ako niyakap nang mahigpit. Mukhang nadama niya rin ang kalungkutang tinatamasa ko ngayon. Ilang saglit lang, humiwalay na kami sa pagyayakapan.

"Lilipas din 'to," ani ko. Inayos ko ang aking sarili dahil mukha na yata akong batang yagit.

"Tim, pakihinto ang tricycle. Dito na lang ako," wika ko. Sinunod naman niya ako at inihinto niya ang tricycle sa may tabi.

"Sandali, sa may susunod na kanto pa ang inyo 'di ba?" anito.

"Huwag ka namang ganiyan, friend..." sambit ni Marion.

"Don't worry guys, pahuhupain ko lang ang nararamdaman kong 'to. See you na lang ulit bukas," ani ko sabay pakawala ng isang pagak na ngiti.

Nag-atubili akong bumaba ng tricycle dahil nahihiya rin ako sa kanilang dalawa dahil sa inasta ko.

"Bye guys, ingat!" saad ko habang kumakaway sa kanila.

Pailing-iling na pinaandar ni Tim ang sinasakyan. Nakayuko lang si Marion at hindi umiimik. Pagkalayo ng kanilang sinasakyan saka lang ako nagsimulang maglakad.

Napagdesisyunan kong maglakad na lang hanggang sa makarating ako sa bahay para makatipid. Hindi ko naman ginusto na maging walk out queen, ayaw ko lang na makasakit ng damdamin ng iba.

Kung hindi ako bumaba sa tricycle, baka napaulanan ko na ng masasakit na salita si Marion. Taon na ang lumipas matapos maganap ang insidenteng kay hirap tanggapin kaya hangga't maaari, ayaw kong sumagi itong muli sa aking isipan dahil sobrang sakit.

Isinara ko na ang kabanata ng buhay kong iyon kaya ayaw ko ng ungkatin pa...

No More RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon