Chapter 21

1.8K 98 37
                                    

Hindi ko alam kung ano ang balak nitong si Zerex at dinala pa niya 'ko sa may sulok ng librerya. Mukhang kalmado naman siya at walang gagawing masama.

"Huy, ano bang kailangan mo sa 'kin? Napag-usapan naman na natin 'yung lahat 'di ba?" bungad ko matapos niya akong bitiwan.

"Hindi pa tayo tapos. Sa tingin mo ba, hanggang do'n na lang 'yon?" panunuya niya sa 'kin.

Hindi ko maintindihan ang lalaking 'to. Nakangiti siya ngayon na tila ba nakakaloko. Kinabahan tuloy ako nang kaunti.

"Hindi ako nakikipagbiruan kaya kung may balak kang makipaglaro... pasensiya na pero hindi ko ito papatusin," seryoso kong sagot.

Nawala bigla ang mga ngiti niya sa labi. Ramdam ko ang aura niya na tila ba seryoso na rin siya. Hindi ko tuloy alam kung matatakot ba ako o hindi.

Dahan-dahan siyang lumakad papalapit sa akin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya ngayon. Isa lang ang sigurado ako, nakakaramdam ako ng takot.

"Zerex, kumalma ka nga," utal kong sambit habang umuurong ako sa kaniyang paglapit sa 'kin.

Hindi siya nagpatinag. Tila ba isa siyang bingi at wala na siyang pakialam sa paligid. Napasandal na lamang ako sa estante ng mga libro nang wala na akong maurungan.

"Sisigaw ako rito kapag hindi katumigil!" pagbabanta ko.

Wala pa ring emosyong lumabas sa kaniyang mukha matapos kong pakawalan ang mga katagang iyon. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso.

"Wala ka nang matatakbuhan pa..." aniya.

"Tu---" Hindi ko na natuloy ang pagsigaw ko sapagkat inilagay niya kaniyang mga kamay sa aking bibig. Pilit akong nagpupumiglas pero mas malakas siya kaysa sa akin. Natatakot ako na tila ba nais ko ng umiyak dahil hindi ko alam kung ano ang sunod na mangyayari sa akin.

"Joke lang..." bulong niya sa akin.

Nanlaki bigla ang aking mga mata at tila gumulapay ako sa sahig matapos niya akong pakawalan. Hindi ako makapag-usal ng isang salita dulot ng takot.

"Huy, joke lang 'yon. Wala akong balak na gawing masama sa iyo. Pasensiya na kung natakot kita," aniya sabay yakap sa akin.

Hindi ko na napigilan ang aking mga luha na kanina pa nagbabadya. Medyo nanginginig pa rin ang aking katawan pero okay naman na 'ko.

"Huy, sorry na. Huwag ka nang umiyak," dugtong pa niya habang hinahaplos ang aking likod.

"Loko-loko ka!" anas ko sabay hampas nang malakas sa kaniyang braso bago ko siya itinulak papalayo sa akin.

"Hindi pa tayo masyadong close para magbiro ka sa akin ng ganiyan. Alam mo ba kung gaano ako katakot sa maaari mong gawin sa akin? S'yempre hindi! Huwag mo na 'yong uulitin!" singhal ko sa kaniya habang nagpupunas ako ng aking luha sa mukha.

"Patawad kung naging mapangahas ako. Pasensiya na kung hindi ko inisip kung ano ang mararamdaman mo. Huwag kang mag-alala, hindi na 'yon mauulit. Pangako..." aniya.

Iwinaksi ko na muna siya sa aking isipan at inayos ang aking sarili. Tahimik lang din naman siya at hindi umiimik. Makalipas ang isang minuto saka ako tumugon.

"Pinapatawad na kita. Siguraduhin mo lang na hindi ka na uulit," tugon ko.

"Salamat at sorry ulit," aniya.

Akmang aalis na 'ko palayo sa kaniya nang bigla nagpanting ang aking mga tainga sa katagang binitiwan niya.

"May namamagitan ba sa inyo ni Kairus?" seryoso niyang tanong.

Napaisip akong bigla kung bakit niya naitanong ang bagay na iyon. Ni minsan wala namang nakakita sa amin na magkasama kami. Hindi kaya... naikuwento na niya 'ko sa mga tropa niya?

No More RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon