Chapter 10

3.4K 173 13
                                    

Alas sais pasado na akong nakauwi sa bahay dahil nag-enjoy ako nang husto kasama ang dalawa kong kaibigan. Mas maganda pa ro'n, masasabi kong mas tumibay pa ang aming samahan.

"Ginabi ka na yata ngayon, Morx?" bungad sa akin ni Nikka. Nakaupo siya sa may sala at mistulang katatapos niya lang maghugas ng pinggan.

Agad ko namang ibinaba ang aking gamit sa bakanteng upuan at tumabi kay Nikka.

"Nag-bonding kasi kami ng mga bago kong kaibigan. Ang saya nga, e. 'Yung tipong bago lang ako sa kanila pero parang ang tagal na naming magkakakilala. Ang sarap sa feeling," pahayag ko.

"Naku, ganiyan din kami ng mga kaibigan ko noon. Minsan nga, para kaming mga baboy na nakawala sa kural kaya madalas kaming mapagalitan," turan niya.

Binuksan ni Nikka ang TV para hindi naman hindi mabalutan ng katahimikan ang bahay. Wala pa sina Ate Rox at Kuya Mark, saan kaya sila pumunta?

"Nikka, bakit wala pa sina ate?" bungad ko matapos bumukas ng TV.

"Nag-date 'yung dalawa kasi monthsary raw nila. Ewan ko ba sa dalawang iyon at napaka-cheesy," sagot ni Nikka habang nagpapalipat-lipat ng channel.

"Mabuti pa sila may lovelife, tayo kaya kailan?" mahina kong sambit.

Lumapit nang bahagya sa 'kin si Nikka at mistulang narinig ang sinabi ko.

"Sus, saka mo na asikasuhan ang lovelife na 'yan kapag nasa kolehiyo ka na. Tiyak namang marami kang makikilala riyan, e. Ikaw pa ba?" patutsada ni Nikka sabay siko sa aking beywang.

"Naku, Nikka... huwag mong palalakihin ang ulo ko. Masyado na ngang mabigat, e," pagbibiro ko sabay apir sa kaniya.

"Ikaw? Kailan ka mag-uuwi ng lalaki rito sa bahay para maipakilala sa amin?" ani ko.

"Wala akong maiuuwi. Liliparin lang kasi sila ng hangin," sambit niya at napatawa nang pagak.

Nagtawanan lang kami habang binobola ang isa't isa. Mayamaya, may narinig kaming tumatawag sa may labas.

"Tao po!" anito.

"Morx, pakitingin naman kung sino ang tao sa labas," wika ni Nikka.

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy at tinungo ko na ang pintuan. Pagkabukas ko ng pinto, agad na bumungad sa akin ang mukha ni Eder.

"Oh, ano ang kailangan mo?" pagsusungit kong tanong habang nakahalukipkip sa kaniyang harapan.

"Gabi na pero ang init pa rin ng ulo mo. May problema ka ba sa akin?" nagugulumihanang tanong ni Eder.

"Wala naman. Pagod lang siguro 'to," palusot ko.

Deep inside, naiinis ako sa kaniya dahil mayroon na yata silang malanding ugnayan ni Sally. Sabi ko nga, kalilimutan ko na siya at ibabaon na lamang sa lupa ang mga nasawing alaala.

"Hayan, sabi ko naman kasi sa 'yo e huwag mong kakabayuhin, magdahan-dahan ka lang. 'Yan tuloy, napagod ka..." aniya. Nanlaki bigla ang aking mga mata dahil sa kaniyang tinuran.

"Hoy lalaki, ang bastos ng bunganga mo!" giit ko. Lumapit ako sa kaniya at saka siya binatukan.

"Aray, kahit kailan talaga ang dumi ng utak mo. Tsk," anas niya habang nakatingin nang masama sa akin.

Ewan ko ba kung bakit ibang kabayo ang pumasok sa isip matapos ang tinuran niya. Ano pa ba ang nais niyang pakahuluganan bukod doon? Hay...

"O siya, bakit ka nga naparito?" tanong ko nang pasungit. Iiling-iling naman siyang sumagot sa akin.

No More RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon