Kabanata 13

18 4 0
                                    

"Anak, maghanda ka pati na rin ikaw Azarea dahil may dadating tayong bisita," bilin ni Sariya habang naggagayat ng sibuyas. Naiiyak na ito dahil sa paggagayat na ikinatawa naman ni Moon. Kahit kailan talaga, sadyang natutuwa si Moon kapag naiiyak ang kaniyang ina sa paggagayat lamang ng sibuyas.

"Ina, hindi mo kailangang umiyak dahil maghahanda na kami," pang-aasar ni Moon sa kaniyang ina.

"Naiiyak ako dahil sa sibuyas na ito, napapaluha na lamang ako at hindi ko mapigilan," sagot naman ni Sariya na pinahid ang kaniyang mata gamit ang kaniyang braso.

Agad naman kumuha ng panyo si Azarea at saka tinuyo ang luha ni Sariya.

"Ang anak kong si Moon, tinatawanan pa ako. Sayang-saya talaga dahil sa naiiyak ako samantalang si Azarea na anak-anakan ko ay nag-aalala sa akin. Ang saya maging anak ni Azarea, ano, Moon?" tanong ni Sariya na ikinangiti ni Azarea.

"Oho, masaya nga ho siyang maging anak pero mas masaya ho siguro kung magiging asawa ko siya," banat ni Moon at saka kinindatan si Azarea na ikinapula naman ng dalaga. Nakita naman ni Sariya ang pagkindat ng anak kaya napatawa na lamang ito.

"Anak, huwag mo nang gawin ulit iyon at nagmumukha kang napuwing lamang ng paminta," pang-aasar ni Sariya na ikinanguso ni Moon.

"Nakakatakot nga po, parang papatay," komento naman ni Azarea na ikinanlaki ng mata ni Moon pero agad ring naningkit ang mata nito.

"Papatayin ka sa kilig kamo," nakangising saad ni Moon.

"Hindi," sagot pa ni Azarea.

"Ay siya, tama na ang asaran dahil pikon si Moon, Azarea. Ihanda na lamang ninyo ang inyong mga sarili dahil dadating ang aking mga kapatid para sa aking kaarawan," paliwanag ni Sariya.

Darating na ang kaarawan ni Sariya at matagal na niyang hindi nakikita ang kaniyang mga kapatid kaya inimbitahan niya ang mga ito na pumunta sa kanilang bahay. Nagdesisyon naman ang mga ito na pumunta na agad hangga't maaga pa para mas marami silang oras para magkasama.

"Anong oras ho ba raw sila darating?" tanong ni Moon habang nag-aalis ng damit pang-itaas.

"Hindi ko alam ngunit baka mga pahapon sila dumating dahil sa dami ng sasakyan sa kalsada," sagot naman ni Sariya.

Tumango na lamang si Moon at gayak na maglalakad na papuntang banyo para maligo nang lumabas si Azarea mula sa kaniyang silid na nakasuot ng sando at pajama. May dala rin itong tuwalya at kung titingnan ay maliligo rin ito.

Napalunok na lamang si Moon at iniiwas ang tingin. Ganoon din naman ang naging reaksyon ni Azarea nang makita ang walang pantaas na si Moon.

"Maliligo ka rin?" tanong ni Moon.

"Oo, pero mauna ka na," nahihiyang sagot ni Azarea.

"Hindi, mauna ka na. Sunod nalang ako sa iyo."

"Hindi na, ikaw na mauna."

"Ikaw muna," pilit ni Moon.

"Ikaw muna," pilit rin ni Azarea.

Tila hindi nila napapansin si Sariya na nakatitig lamang sa kanilang dalawa. Natatawa siya sa dalawa kaya nakaisip siya ng paraan.

"Ako na muna, ang tagal kasi ninyo," paningit ni Sariya at saka pumasok na sa loob ng banyo.

Naiwan namang nakatulala sina Azarea at Moon sa labas dahil naunahan sila ng kaniyang ina.

"Sabi kasi sa iyo, ikaw na ang mauna," dagdag ni Azarea na ikinangiti naman ni Moon.

"Sabi naman kasi sa iyo, magsabay na lamang tayo," sagot naman ni Moon at saka kumindat bago lumabas ng bahay na ngingiti-ngiti.

Azarea [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now